Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathaniel, na-extend

082415 enchon sam rayver Nathaniel

00 fact sheet reggeeNA-EXTEND ang seryeng Nathaniel ni Marco Masa base na rin sa magagandang feedback mula sa viewers at loaded din ng TVC na supposedly hanggang nitong Agosto lang pero aabutin siya hanggang katapusan ng Setyembre.

Kaabang-abang ang kuwentong mapapanood dahil ipinasok na ang tatlong anghel na sina Enchong Dee (Eldon), Rayver Cruz (Josiah), at Sam Milby (Armen).

Nasulat namin dati na pinababa sa lupa ang tatlong guwapong anghel na may mabubuting puso para sunduin na si Nathaniel pero hindi pa pala dahil may kanya-kanya rin silang mahahalagang papel na gagawin para tuluyang magapi ang kasamaan nina Baron Geilser, Isabelle Daza, at David Chua.

Hindi kaya ng powers ni Nathaniel ang kasamaan ni Baron dahil pati mga inosenteng mamamayan sa malalayong probinsiya ay sinira ang mga pananim at ang mga ilog at sapang pinangdidilig at pinagkukunan ng inumin ay nilagyan din ng lason. Base sa episode ng Nathaniel noong Lunes ay naunang bumaba si Eldon (Enchong) para ayusin ang mga nasirang pananim at inalis ang lason sa ilog/sapa. Kaya naman sobrang tuwa ni Nathaniel at nagpasalamat siya sa kuya Eldon niya, pero binilinan na hindi pa rin tapos ang problema dahil nga nag-iba na ang pananaw ng mga tao sa nasabing lugar.

Bale ba, ang tatlong anghel ay tinapos muna ang mga eksena nila sa Nathaniel bago sila lumipad ng London kahapon, Setyembre para sa ASAP20. Sabi nga sa eroplano na lang daw matutulog ang tatlo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …