Monday , December 23 2024

Wala akong ambisyong maging VP — Vilma

082315 vilma santos Mar Roxas

00 fact sheet reggeeITINUWID ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na wala siyang natatanggap na offer para kumandidato ng Bise Presidente ni DILG Secretary Mar Roxas.

At kung sakaling mayroon ay hindi raw siya handa para rito kung sakaling plano niyang tumuloy sa politika ay sa kongreso ang gusto niya.

“I may consider Congress but nothing is final kung tatanungin n’yo ako,” sabi ng Star for All Seasons nang makausap namin sa set visit ng pelikula nila ni Angel Locsin kasama si Xian Lim sa Mandaluyong City.

Kung walang offer, bakit matunog ang pangalan ni Ate Vi bilang ka-tandem ni Roxas sa 2016?

“Oo nga, nagulat nga ako, ‘Mar-Vi, the unbeatable’ ba ‘yun, sa totoo lang wala naman akong natatanggap na offer, walang kumakausap sa akin, siguro ano lang ‘yan publicity lang ‘yan.

“Thank you for considering me, pero wala yung sasabihin mo na formal talk, wala. Hindi ko ikino-consider ‘yon.”

“In the first place, naka-psyche na ‘yung utak ko na wala akong plano.

Hindi kasi madaling trabaho ‘yon.

“’Yung governor, sakripisyo na, how much more kung pag-uusapan natin na hindi biro, eh?

“I will not consider ‘yung sasabihin mo na may pakiusap.

“Hindi, eh, kasi alam ko ‘yung kakayahan ko. That’s why, ever since, alam ko na hindi. Hindi ako prepared for that.

“Wala akong ambisyon, no plans, and I’m not interested because wala sa plano ko,” diin ni Ate Vi.

Naikuwento ni Governor Vilma na hanggang ngayon ay ang mga kababayan niya sa Batangas ang concerned niya kaya naman labis siyang nagpapasalamat kasi suportado siya.

“Legacy ‘yun kasi hindi naman lahat pinagkakatiwalaan ng ganoon, 18 years as public servant is no joke. And then modesty aside, first woman Mayor and first woman Governor ng Batangas, that’s women empowerment. Ibig kong sabihin, legacy, so hindi talaga puwedeng balewalain ‘yun,” kuwento ng premyadong aktres.

At aminado si Ate Vi na kaya raw siguro siya ibinoto ay dahil sa pagiging artista,  ”first love ko naman, 9 years old artista na ako and I’m very sure kaya rin naman ako kinonsidera r’yan (politika) noong una dahil ako si Vilma Santos kaya lang later on hahanapin na sa iyo, performance kaya mo ba o hindi. Siguro kaya rin ako napagkatiwalaan ng 18 years, I must have done something good.”

Inamin din ng gobernadora na mas nag-e-enjoy siyang paglingkuran ang mga kababayan niya sa Batangas,”parang ang ano ko (forte) is more on local kasi given a chance siguro, halimbawa natuloy akong tumakbo sa Congress kung gugustuhin, that’s one term, 3 years. Given a chance gusto ko pang magsilbi, babalik ako sa pagka-governor kailangan kasi may break, eh.

Samantala, nasabi namin na may nakausap kaming mga taga-Lipa City na gusto siyang bumalik sa pagka-Mayor.

“I may, but hindi ganoon kadaling disesyonan, iba kasi ang sitwasyon ng Lipa ngayon, ibang-iba,” pagtatapat ng gobernadora.

Tinanong namin kung anong ibig sabihin ng ibang-iba,”may mga problema raw, kaya may mga nagre-request na they want me to serve again as Mayor.

“May mga problema na encounter, pero hindi ganoon kadali because I respect Mayor (Meynard) Sabili, the incumbent kasi Liberal (Party) din ‘yan and he is a friend. So, hindi madali,” katwiran ni Ate Vi.

Kung gayun, bakit hindi na lang bise presidente, ”pag hindi ako naka-focus doon, hindi ako magiging effective.

“Kasi hindi ko maibibigay ang puso ko, hindi ako preparado. Buong Pilipinas, hindi madali, believe me.  Being a public servant is sacrifice.

“Dapat prepared ka, physically, mentally and emotionally, hindi ko kayang i-sacrifice ang pamilya ko. I don’t want to sacrifice my family.”

At ano naman ang masasabi ni Ate Vi kay Secretary Mar na kakandidatong Presidente, ”I think Mar will be a good president, aminin man natin o hindi, may magandang pundasyon namang iniwan si President PNoy, aminin man natin o hindi.

“Ang mangyayari lang ‘yan siguro, the best na puwedeng magawa kung gustong ituloy ‘yung tuwid na daan, do some interventions, do some innovations, kung ano ‘yung kakulangan, baka iyon ang mapunuan (Mar).

“Sabi nila ‘yung economy growth, hindi umaangat sa baba, baka itong susunod na administrasyon, baka ito naman ang bigyan ng priority, bigyan ng priority ‘yung programa ng agrikultura, so ito naman is may magandang pundasyon na, it’s just a matter of continuation, maybe need ng improvement, enhancement, intervention na I think si Mar naman is on that track.

“Baka naman ‘yung kay Mar is sana nga ma-improve niya, kasi hindi mo naman matatapos ‘yung programa in short term lang (6) years), kaya kung magagawa iyon ni Mar, he will be a good president.”

At sa tanong namin kung sino ang gustong maging bise presidente ni Ate Vi, ”it’s his (Mar) choice, not ours kasi kung sino ‘yung makakasama niya na iisa ang vision para smooth ang trabaho, isang vision at may teamwork sila.”

At kung si Grace Poe ay magbibigay daan kay Mar, ”I think, magiging perfect team sila kung tuloy, kasi si Grace naman maganda ang intensiyon sa bansa,” diretsong sabi ni governor Vilma.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *