Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, masaya na okey na muli siya sa ABS-CBN

060815 DEREK ramsay
INAAMIN ni Derek Ramsay na malaking relief para sa kanya na nagkasundo na rin sila kahit na paano ng ABS-CBN, kasi nga may ginawa na siyang pelikula ngayon para sa Star Cinema, bagamat sa telebisyon ay may exclusive contract pa rin siya sa TV5.

Nagkaroon ng silent ban ang ABS-CBN laban kay Derek nang bigla siyang umalis sa network at lumipat nga sa TV5. Kaya minsan nga pati ang isang pelikulang ginawa niya para sa ibang producers na isa siya sa mga bida, inalis ang picture niya sa poster at ang pangalan niya ay inalis din sa billing ng pelikulang ang nagdidis-distribute ay ang Star Cinema. Hindi rin maaaring banggitin ang kanyang pangalan ng mga artista nila na nakakasama ni Derek sa pelikula.

Talagang maliwanag na sumama ang loob ng ABS-CBN, dahil sa paniwala nilang sila ang nag-build up nang husto kay Derek, tapos ay umalis sa kanila. Hindi mo rin naman masisisi si Derek dahil nakatanggap siya ng isang matinding offer mula sa TV5, na mas kikita siya ng mas malaki sa mas maikling panahon kaysa kung nanatili siya sa ABS-CBN. Sa diskarte ni Derek, hindi naman niya alam kung hanggang kailan ang kanyang popularidad, kaya kailangang samantalahin niya ang lahat ng mga magagandang pagkakataon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …