Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Denise, madalas ma-bash dahil sa pagiging epektibong kontrabida

080815 denise laurel

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Denise Laurel na madalas siyang ma-bash kaya naman hindi siya ganoon kadalas magbukas ng kanyang Twitter account. Naba-bash ang magaling na aktres dahil sa magaling niyang pagganap bilang si Toni sa top-rating afternoon drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ng ABS-CBN2.

Si Denise na nga raw ang isa sa itinuturing na epektibong kontrabida kaya naman ganoon na lamang ang nagiging response sa kanya ng mga manonood. Kulang na nga lang ay isumpa nila si Denise o kapuotan sa mga ginagawa niya bilang si Toni Briones, na nang-agaw kay Leandro (Christian Vasquez) mula kay Cecilia (Vina Morales).

Sa ganda ng takbo ng istorya na hindi lamang kina Toni, Leandro, at Cecilia umiikot gayundin kina Corinne (Jane Oineza) at Ryan (Jerome Ponce) bilang magdyowa at kina Bea (Loisa Andalio), at Joel (Joshua Garcia), hindi nakapagtatakang na-extend pa ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na dapat ay nagtapos na noong July 17.

Bale ba nasa 3rd season na ang NKNKK na nagsimula noon pang Enero 19. Bongga ‘di ba?! Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan at pasasalamat ng buong cast dahil sa tindi ng suporta ng TV viewers para sa kanilang Kapamilay Gold teleserye.

Sa pag-extend ng NKNKK may mga bagong karakter na papasok pero asahan pa rin ang lalo pang kapana-panabik na pagpapatuloy ng mga kaganapan sa bawat karakter na sinusubaybayan.

Dumami man ang haters ni Denise, okey lang sa kanya dahil aniya nga, “Expected ko na they will hate me, I just make sure na hindi ako nag-o-open ng Twitter,” paliwanag nito. “I just remind myself that I’m doing justice to the role.”

Ang NKNKK ay idinidirehe nina Mervyn Brondial at Cathy Camarillo. Ito ay mula rin sa grupong lumikha ng mga hit teleserye na Be Careful With My Heart, Dream Dad, at Oh My G. kaya naman hindi kataka-takang maganda rin itong Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …