Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bossing ng GMA, gandang-ganda sa teleserye nina James at Nadine

033015 Jadine

00 fact sheet reggeeNapag-usapan din namin ang bagong romantic comedy serye nina James Reid at Nadine Lustre na gandang-ganda raw ang mga bossing ng GMA.

“Bongga talaga ang ABS (CBN) pagdating sa teleserye nila, glossy at mamahalin. Promising ang JaDine,” diretsong sabi sa amin ng kausap namin.

At dahil magtatapos na ang Bridges of Love na aminadong pinapanood din ng mga taga-GMA, “kaloka, mag-back-to-back ang ‘Pangako Sa ‘Yo’ at ‘On The Wings of Love’? Eh, sino pa ang manonood sa amin (GMA), baka mag-color bars na lang kami.”

Nagkatawanan kami ng aming kausap at oo nga ‘no, pawang hataw sa ratings game ang primetime ng ABS-CBN tulad ng Nathaniel, Pangako Sa ‘Yo at papasok pa nga itong JaDine serye.

Well, aware naman din siguro ang GMA 7 na nakuha ng ABS-CBN ang 45% over-all ratings kompara sa GMA na hindi namin alam kung ilan at balita rin namin ay paaabutin ng Kapamilya Network sa 50% or more, why not?

Hindi diretsong sinabi sa amin pero umaasa silang ang Marimar na pagbibidahan ni Megan Young ang puwedeng ipangtapat sa serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Wish nila lang, ‘di ba Ateng Maricris. (Naman! Malayong matalo ang teleserye nina KathNiel. Sa takbo ng istorya talagang kaabang-abang gabi-gabi, idagdag pa ang nangyayari kina Jodi, Ian, at Angelica—ED).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …