Monday , December 23 2024

Sam, ‘di masagot kung single o may karelasyon pa siya

072815 Sam Concepcion

00 fact sheet reggeeHINDI namin alam kung anong dahilan ni Sam Concepcion kung bakit hindi niya masagot ng ‘oo’ o ‘hindi’ ang tanong namin kung single siya o may karelasyon sa nakaraang presscon ng indi film na Makata (poet) na idinirehe ni Dave Cecilio at ipinodyus naman ni Andrei James Acuna.

Nakailang tanong kasi kami kasama na ang ibang entertainment press tungkol sa buhay pag-ibig ng aktor pero paligoy-ligoy ang sagot niya at kesyo nagpo-focus daw siya ngayon sa career niya.

Hmm, make sense naman Ateng Maricris dahil hindi nga naman siya masyadong visible ngayon na labis ding ipinagtataka ng karamihan kung bakit hindi umaangat-angat si Sam sa karera niya.

Naungusan na siya ng mga nakasabayan niya noon sa Super Inggo at ni Charice na nakatunggali niya sa Little Big Star.

Bukod dito ay naunahan pa siya ni Enrique Gil na rati niyang kasama sa Stages na ngayon ay sobrang sikat na.

Huling napanood si Sam sa pelikulang I Dio Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila noong 2012 at ang gaganda pa ng rebyu sa performance niya, pero hanggang doon lang dahil hindi na nasundan ang project na iyon.

At sinuwerte siya na nagustuhan siya ni direk Dave para sa project ng Makata na mukhang makatutulong sa imahe ni Sam dahil indi movie ito.

Bukod dito ay challenge kay Sam ang papel na underground street rapper o fliptoper.

“Ang challenge sa akin ay kung paano ko mabibigyan ng depth ‘yung mga simpleng salita, at saka ‘yung tagalog, malalim at kung paano mo sasabihin.

“Of course, we have script (sinusunod), pero (atake) parang naglalaro lang, may mga guest rapper din kami sa rap battle,” kuwento ng singer/actor.

Singer si Sam, pero hindi niya forte ang pagra-rap kaya pinag-aralan niya nang husto ang papel niya.

Ayon naman kay Direk Dave, isinulat niya ang lyrics ng fliptop at kumonsulta raw niya sa rap artists tulad nina Mike Posa, Righteous One, Mike Swift, Jay On at iba pa.

“Ten rap artists na totoo talaga and we give credit to them,” sabi ng direktor.

Going back to Sam ay tinanong namin kung bakit niya tinanggap ang Makata (Poet)? Magiging daan ba ito para tanggapin na siya ng masa dahil nga konyo pa rin ang tingin sa kanya?

“Kasama na rin po iyon, I think it only appears that way. In the recent, well last year especially, I was privilege to have a few hits noong ni-release ‘yung album ko. Gusto ko rin sana ma-blur ‘yung lines at kung ano ang accepted ng masa,” pahayag ni Sam.

At muli kaming humirit kay Sam kung nadadalaw o nakukumusta niya ang ‘baby’ nila ni Jasmine Curtis Smith na iniwan niyang alaala.

This time ay napilitan ng sumagot ang aktor dahil siguro nakulitan na sa amin, “well, we still have communications because we have a lot of common friends. Hindi naman nawawala na minsan mag-batian kami.”

Binggo, baka nga gumagawa pa rin ng paraan si Sam na maging maayos sila ni Jasmine at ayaw lang niyang ma-preempt?

Anyway, mapapanood ang Makata sa Setyembre at mga estudyante ang target audience ng pelikula at sinadyang hindi ito isali sa film festival dahil hindi naman daw interesado sina direk Dave ng awards.

“We do not join film festivals because basically, we don’t need awards, all we need is profit how? We made it sure that the copy of the film is secured because once kasi na isinali mo na sa festival, some judges kasi will be requesting the copy of the film.

“So roon palang, wala ka ng control sa copy, so, we made it sure that the copy (‘Makata’) just within the producer at may exclusive screening for schools, kasi basically ang target market namin ay schools and based on the number of students or enrollees and required silang manood dahil after that mayroon na silang reaction paper, like multi-media arts subject na pasok sa K-12 program. Kailangan nila ng educational film na pasok.

“So kagaya nito, Francisco Balagtas (‘Makata’) hero na involved sa pelikula, so rito ako ngayon papasok. Kinda boring basically, pero ginagawan namin ng paraan ‘yung mga bata na hindi lang history (pinag-aaralan) kundi naalala nila ‘yung heroes,” paliwanag mabuti ni direk Dave.

Bukod kay Sam aay ka-join din sina Angelo Ilagan, Rez Cortez, Julio Diaz, Claire Ruiz-Hartell, Dianne Medina, Lou Veloso, Lance Raymundo, Anna Marin, Mini Jugs Reodica, at Rosanna Roces.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *