Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, tsinugi bilang endorser ng isang produkto (Nag-feeling sikat pa kasi)

 

052515 CRISTINE reyes

00 fact sheet reggeeDAHIL sa pagiging demanding ni Cristine Reyes ay tinanggal siya bilang isa sa endorser ng Ever Bilena Cosmetics kasama sina Diane Medina at Sunshine Cruz.

Kuwento mismo ng mga taga-Ever Bilena na hindi nila sukat akalain na may pagka-diva pala ang dating sexy star dahil noong kausap naman daw nila ito ay mabait.

Ang kuwento sa amin, “during the pictorial shoot ng tatlong ambassadress, biglang nagpa-iba ng schedule si Cristine kasi hindi raw siya puwede, tapos humingi ng sariling dressing room, ayaw niyang may kasama sa room.

“Sabi namin na hindi puwedeng mag-iba siya ng araw kasi kailangan sabay-sabay silang tatlong kunan at sa dressing room, hindi naman puwedeng hindi sila magkakasama kasi iisa lang naman ‘yung kuwarto.”

Nang sabihin daw nh taga-Ever Bilena na hindi puwede ay ipinipilit pa rin daw ni Cristine na hindi siya puwede sa naka-set na schedule dahil may lakad siya.

Bukod dito ay marami pa raw reklamo ang aktres kaya ang ending, tinanggal na siya bilang isa sa endorser at pinalitan siya ni Ms Puerto Rico na sumali sa Ms Earth kamakailan.

Sabi tuloy ng katotong nakarinig sa kuwento, “ganoon, feeling sikat, eh, wala na nga siya ngayon, wala ng career? At saka si Sunshine Cruz ginanoon niya? Hindi na siya nahiya?”

Oo nga AA, ano na naman bang drama mo at nagmamaganda ka na naman, ‘di ba’t kailangan mo ng raket?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …