Saturday , November 23 2024

Canada Garbage: Susi ng solusyon mismong sa Kustoms lang

KUNG gustong magpakabayani ni Komisyoner Alberto Lina  at tuluyan nang tuldukan ang two-year old 50 containers of ha-zardous shipment from Canada, narito ang mga dapat gawin:

Una ipahanap niya at least dalawang player (technical  smuggler na sabit dito, iyong taga MICP (Customs) 2013 Law Division na nag-process nito, at dalawang  Customs police officer, isang major at isang kapitan, tapos na ang boksing.

Turuan dito, sisihan doon na umabot na pagkatapos ng two long years sa pagtatangkang magkasuhan dahil totoo namang  bulok na toxic waste materials ang nilalaman mula pa sa ilang ospital sa Canada.

Ang consignee sa Canada na identified naman at kanyang counterpart dito sa Maynila na may kontrata sa pagdadala ng mga basura, dapat imbestigahan din at kasuhan.

In fairness, wala yata itong approval ito Canadian government. Parang private transaction ito na ngayon ay nada-drag na pati ang Canadian government.

Ang background nito ay ganito. Dumating ang 50 container ng toxic garbage mula sa Canada. Pagdating na pagdating sa Maynila wala tayong kamalay-malay, ang declaration ng Canadian shipper na ginamit ng kanyang contact na local consignee as ‘recycle materials.’

Aabot daw sa 100 ang tangkang ipuslit sa pamamagitan ng Customs-MICP noong 2013, buwan ng Hunyo, ngunit pagpasok na pagpasok sa MICP, ito ay pinigil ng dalawang Customs police officer.

Ang valid reason nila? Walang environmental clearance mula sa DENR. Dapat outright seizure/forfeiture at sana ipinag-utos ang agarang pagpapablik sa Canada. Pero narito pa ring hanggang ngayon.

Kung paanong tumahimik basta iyong dalawang Customs police officer pagkatapos nilang harangin dahil nga walang environmental clearance, bakit natameme silang biglang?!

Sa pagkakatanda natin noon, sa galit ni dating Komisyoner Joh Sevilla, kanyang sinibak ang pinakahepe ng MICP Law Division dahil sa pagpayag sa declaration ng consignee.

Magkano ba, ay mali yata, paano bang nangyari? Hanggang sa ngayon hindi pa umaalis ang multo ng Canada garbage.

Ang usapan noon, P100,000 bawat container ang ibinigay sa mga taga-kustoms ng dalawang smuggler, isa ay mula sa mafiosi clan (family of smugglers) at ang isa naman ay isang mayor ng Bikol na mayroong restaurant sa Mall of Asia. Iyong P100,000 bawat container para sa 50 lang. Aabot ng 100 ang basura.

Kung pipigain ang mga nasabing suspect halimbawa ng NBI, posibleng magkaroon ng resulta.

Kaya lang, mapapahiya ang Customs. Sa kanila pala nagmula ang lagayan. May tanong na umuugong. Totoo kaya na may expensive items na nakasingit sa mga container, tulad ng Aluminum?

Hanggang sa ngayon hindi pa pinabubuksan. Sang-ayon sa environmental groups, aabot sa P150-milyon  ang babayaran ng government, specifically Bureau of Customs. Ang mga ahensiya tulad ng Asian Terminal at MICP, both private, sa demurahe at sa mga container…

Isa nang fullblown political isyu ito versus kay Pinoy at LP.

About Arnold Atadero

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *