Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB tatapusin ang RoS

 

020415 PBAAYAW na ng San Miguel Beer na muling dumaan sa sudden-death na sitwasyon kung kaya’t ibubuhos nito ang makakaya kontra Rain or Shine sa kanilang pagtutuos sa Game Four ng best-of-five semifinal round ng PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseuum sa Quezon City.

Kung muling mamamayani ang Beermen sa Elasto Painters ay tutulak na sila sa best-of-seven championship series kontra Alaska Milk na nauna nang nakarating sa yugtong iyon matapos na mawalis ang nagtatanggol na kampeong Star Hotshots, 3-0 noong Linggo.

Ginapi ng Beermen ang Elasto Painters sa Game Three, 114-108 upang makalamang sa serye, 2-1. Nagwagi rin ang Beermen sa Game One, 101-95 subalit naitabla ng Rain Or Shine ang serye sa pamamagitan ng 113-110 panalo sa Game Two.

Mataas na percentage buhat sa three-point area ang naging susi sa tagumpay ng San Miguel Beer sa Game Three. Nagpasok ang Beermen ng 18 sa 27 tira buhat sa distansiyang iyon.

Ang import na si Arizona Reid ay gumawa ng 7-of-10. Si Alex Cabagnot ay nagtala ng 5-of-7 samantalang si Marcio Lassiter ay gumawa ng 4-of-6.

Si Reid ay gumawa ng 37 puntos, limang assists, apat na rebounds, at tatlong steals sa 46 minuto. Si Cabagnot ay nagrehistro ng 26 puntos, siyam na assists, limang rebounds at tatlong steals. Si Lassiter ay nagtala ng 17 puntos, anim na rebounds at tatlong assists.

Ang reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo ay nagtala ng 17 puntos at walong rebounds.

“We’re able to adjust on what they did to us. Our zone defense worked,” ani San Miguel Beer coach Leo Austria na naghahangad na muling makaengkwentro si Alaska Milk coach Alex Compton sa Finals.

Alam ni Austria ang kakayahan ng Rain Or Shine na makabalik base sa nangyari sa Game Two. Kaya naman pinaaalalahanan niya ang kanyang mga bata na huwag magkompiyansa.

Sa Game Two ay nabokya ng Elasto Painters ang Beermen sa huling minuto at gumawa ng 7-0 atake upang magwagi. Si Jeff Chan ang nagpanalo sa Rain or Shine nang ipasok ang triples sa huling 7.6 segundo.

Ang pinakamalaking kontribusyon sa larong iyon ay galing kay Wendell Mckines na nagposte ng conference-high 53 puntos. Sa Game Three ay muling sumingasing si Mckines nang magtala ng game-high 39 puntos.

Siya ay sinuportahan nina Pau Lee (22 puntos), Chan (13), Gabe Norwood (12) at Chris Tiu (10).

Hiindi pa rin nakapaglaro si Beau Belga sa Game Three matapos na magtamo ng sprained ankle sa Game One. May posibilidad na makabalik si Belga mamaya upang makatulong ni JR Quinhan sa pagpigil kay Fajardo.

Naunang nakarating sa finals ang Alaska Milk nang wakasan ang paghahari ng Star Hotshots noong inggo sa pamamagitan ng 3-0 sweep sa semis.

ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …