Sunday , April 13 2025

LAZADA.PH nag-deliver ng pekeng item sa consumer (Attention: DTI)

00 Bulabugin jerry yap jsyNADESMAYA ang isang Bulabog boy natin sa huling karanasan niya sa Lazada online shopping.

Dahil sikat, pinili niya ang LazadaPh para umorder ng isang sikat na brand ng eyewear/sunglasses.

Una nadesmaya siya dahil kailangan daw niya magbayad ng Customs fee. Siyempre nagreklamo siya dahil hindi naman nakalagay sa website na kailangan pala niyang magbayad ng Customs fee.

Kaya noong ini-deliver sa kanya, hayun sinabi hindi na niya kailangan magbayad ng Customs fee.

Natuwa naman siya para mabuwisit  lang ulit dahil PEKE ang ipinadala sa kanyang Ray Ban sunglasses.

Anak ng tokwa!!!

Agad siyang tumawag sa Customer Service, ipadadala raw ‘yung return form.

Naghintay naman siya pero hanggang ngayon, wala pa ring nakararating sa kanyang return form.

What the fact!!!

Bakit hinahayaan ng LazadaPh na magkaroon sila ng supplier na PEKE ang ipinadadala sa kanilang customers?!

Ang Lazada po ay isang online shopping network. Wala naman talaga sa kanila ang item, mayroon silang  members na supplier ng iba’t ibang items.

P’wedeng sila ay maliliit na tindahan, boutique o bazaar na mas mababa ang presyo sa mga department store pero siyempre babayaran ng consumer ang shipping cost.

Ang pinag-uusapan dito sa online shopping unang-una dapat guaranteed ang produkto at serbisyo; ikalawa, nakatitipid sa oras ang consumer, hindi na niya kailangan pumunta sa mall, ligtas pa sa bisyong shopaholic; at ikatlo, sigurado ngang original ang item.

Pero hindi ganito ang naranasan ng bulabog boy natin sa Lazada. Na-stressed lang siya dahil nabuwisit at nagalit na siya.

Actually, pwede naman itong ireklamo sa DTI, pero lalo lang mai-stress ‘yung  consu-mer dahil tiyak pipila siya nang mahaba, magpi-fill-up ng complaint form etc.

Pero in the end, ano ang magiging resulta? Ibabalik ‘yung pera niya, papalitan ang pekeng item ng original?  

Simple lang po ang gusto ng Bulabog boy natin, bilisan ng LAZADA ang pag-aasikaso kapag may nagrereklamong consumer dahil nagtiwala nga sa kanila kaya bumili. Nagpa-dala ng pera kahit wala pa ‘yung item, ‘di ba? Kasi hindi naman ide-deliver ‘yan kung wala pang proof of purchase.

Maliwanag na pang-aabuso ‘yan sa tiwala ng consumer. Ilan kaya ang nabibiktima nang ganyang sistema, na ‘yung iba ay hindi na lang nagrereklamo dahil panibagong abala nga.

Paging DTI, pakibusisi nga ang transaksiyones ng LAZADA!           

PBB umaalagwa na naman ba!? (Paging: MTRCB)

ALAM nating reality show ang Pinoy Big Brother (PBB). Pero hindi tayo komporme sa ginagawa nilang pagpapakita ng kabalahuraan sa mga kabataan.

Dapat ay maging sensitibo ang PBB sa mga ipinapakita nila lalo’t mga menor de edad ang nasasangkot.

Tama bang ipakita nila ang maagang ligawan ng mga menor de edad sa telebisyon?

Ganoon din ag same sex relationship on national TV?!

Tingin natin ay private matters ang mga bagay na ito, na hindi  dapat ibinubuyangyang sa telebisyon.

Sinasadya man o hindi, maliwanag na exploitation ‘yan sa hanay ng mga menor de edad.

Anong values ang matutunan ng mga kabataan sa palabas na ito?

Sa housemates na minor at lalo sa maramig minors na nanonood ng PBB.

Marketing strategy ba ito para pumutok ang PBB dahil nag-uumpisa pa lamang?

Okey lang mag-isip nang mag-isip ng marketing strategy, ‘wag lang i-exploit ang mga kabataan.

Be responsible naman, Mr. Big Brother and ABS-CBN.

Bakit may bayad ang paggamit ng kubeta sa Dau Mabalacat Terminal!? (ATTENTION: LTFRB)

DEAR SIR JERRY, pakitingnan na lang po ang terminal sa Dau. Bakit po kailangan namin magbayad ng 5 pesos sa comfort room? Sa lahat po ng terminal papuntang Baguio tanging ang Dau, Mabalacat terminal ang naniningil ng limang piso kada pasok ng mga pasahero, kanino po napupunta ang perang sinisingil nila? Sana po mabigyan ng aksyon at attention. Marami pong salamat.                 – Elmer Rubio

Ulo ni bagatsing ang pihitin

KA JERRY, nasobrahan na ba sa karera itong si Cong. Amado Bagatsing at ang gusto, pihitin ang monumento ni Rizal? Dapat ulo na lang n’ya ang pihitin. +63918333 – – – –

Binay mahilig manduro?

SIR JERRY, hindi mo ba napapansin, si Binay ay mahilig nakaturo ang daliri kapag nagsasalita. Hindi kaya manuno ‘yan? Pati pulis tinuturo na parang nanduduro.

+639158211 – – – –

Grabeng traffic sa CSJDM, Bulacan

BOSS JERRY, grabe po ang traffic sa City of San Jose del Monte sa Bulacan, kahit pa-puntang NLEx o Quezon City. Sabay-sabay kasing hinukay ang mga kalsada. Ang haba po ng panahon para ipagawa ang nasabing mga kalsada pero itinaon pa kung kailan malapit na ang tag-ulan at makapit na rin ang eleksiyon. Ang katuwiran ng congressman, aprub na raw kasi ang kanyang P800 million PDAF kaya ibubuhos na raw niya sa pagpapagawa ng kalsada. Kaya hayan po grabe ang traffic. Perhuwisyong totoo! 

 (Name withheld)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *