Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymart at Claudine, friends na talaga

010915 claudine raymart

00 fact sheet reggeeMAGKAIBIGAN na raw sina Claudine Barretto at asawang si Raymart Santiago, ito ang sinabi ng aktres sa panayam niya kina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight noong Lunes ng gabi.

Base sa kuwento ng aktres bago siya sumalang sa one-on-one interview nina Boy at Kris, tinawagan niya muna si Raymart para sabihin ang mga itatanong sa kanya at kung ano ang isasagot niya.

“Tinawagan ko siya before ko sagutin, sinabi ko ‘yung mga question tapos tinanong niya kung para saan, sabi ko para sa ‘Aquino and Abunda’.

“Tapos tumawag siya. sabi ko, ‘teka lang, Mart, friends ba tayo?’ Tawa siya ng tawa. ‘Oo, friends na!’ ‘Kasi hindi ko alam isasagot ko, kung civil ba or friends na tayo.’ Friends na raw. So, okay, ‘Friends na kami.”

Nitong taon lang daw sila naging okay ni Raymart dahil na rin sa payo ng huwes na may hawak ng kaso nila na si Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Marikina Regional Trial Court Branch 192.

“Inupo niya kami, pinagharap at ipinaliwanag na hindi maganda itong ginagawa namin (nagde-demandahan), we have to stop it, ‘yun nagkausap kami (Raymart) so, okay na kami,” kuwento ni Claudine.

Nabanggit din daw ni Judge Macaraig na hindi ito maganda para sa kanilang mga anak.

Anyway, maganda ang aura ngayon ni Claudine at halatang may peace of mind na siya dahil ang ganda-ganda niya ngayon at pumayat na, talagang balik-showbiz na ang aktres dahil excited siya sa reunion movie nila ni Kris na Etiquette for Mistresses.

Naunang nagsama sina Claudine at Kris sa Sukob noong 2006 mula sa Star Cinema at umalis ang una sa ABS-CBN taong 2011.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …