Monday , December 23 2024

Ser Chief, humanga sa pagiging seryoso at propesyonal ni Enchong

 

 

061915 richard yap enchong dee

00 fact sheet reggeeBASE sa official announcement ng Dreamscape Entertainment ay hihintayin nila ang Reyna ng Teleserye na si Judy Ann Santos-Agoncillo kung kailan na siya puwedeng mag-taping ng Someone To Watch Over Me na pagsasamahan nila ni Richard Yap.

Hindi naman daw nababahala si Ser Chief na matatagalan pa bago makabalik si Judy Ann dahil may kapalit namang seryeng ibibigay sa kanya.

Nabanggit nga namin na baka sa taong 2017 pa puwede ang aktres dahil palalakihin muna niya ang bunso.

“Siguro, hindi natin alam, it depends, okay lang, if she still wants to do it at that time okay pa then will do it. But for the moment will do something else muna,” sagot naman ni Richard.

Gaganap bilang Chairman Peter Tan si Richard sa My Kung Fu Chinito at hahasain niya si Enchong Dee bilang kapalit niya dahil retirado na siya.

At napahanga naman si Richard sa magandang work habits ni Enchong dahil seryoso sa trabaho at propesyonal at madaling turuan ng martial arts.

At dahil sa bagong karakter ni Richard bilang Chairman Tan ay tinanong namin kung mapapalitan na ang tawag sa kanyang Ser Chief at Papa Chen?

“Hindi siguro, kasi as of now, marami pa ring tumatawag sa akin ng Ser Chief, may tumatawag pa ring Papa Chen, so kung ano ‘yung kinasanayan nila, ‘yun pa rin. Ito (‘My Kung Fu Chinito’) naman, medyo maigsi lang, kaya hindi siguro ganoon (katanda) ‘yung pangalan, baka Kung Fu Chinito, puwede pa,” natawang sagot ng chinitong aktor.

Ang ibang kasama sa My Kung Fu Chinito ay sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, Clarence Delgado, at Sofia Andres na isinulat naman ni Mariami Tanangco Domingo at idinirehe ni Erick Salud na mapapanood na sa Linggo, Hulyo 21 handog ng Dreamscape Entertainment.

Sikreto ng magaling na restaurateur, ibinahagi ni Richard

061915 Richard Yap

Samantala, inalam naming kung ano ang sikreto ng isang successful restaurateur tulad ni Richard na may tatlong branches na ng Wang Fu at isang Luna J.

“I think by treating people right, by giving them what spare, what they deserved, lahat naman tayo I think we want to feel the sense of self-worth.

“If you’re working for someone and you want to feel that, ganoon din ako sa mga taong nagtatrabaho sa akin, we want to give them, gusto namin umangat sila kasama namin.

“Kung umangat ‘yung negosyo, aangat din ‘yung mga taong nagta-trabaho sa amin. That’s something I want to be part to all the people, gusto kong umasenso sila sa buhay,” paliwanag nito.

Totoo nga bang Chinese ang magaling sa paghawak ng mga negosyo?

“I think, it’s a culture, kasi Chinese were brought up to go into business talagang kailangan bata palang nagtatrabaho ka na, siguro kasi Filipinos or lets say when we were colonized by Spain, ano kasi mayroon kasing tendency na i-spoil ‘yung mga bata, so, siguro roon ‘yung difference.

“But there’s a lot of Filipino’s who are very business minded, so nandoon na rin sila, natututo na rin. A lot of them are very good in business na rin ngayon, so dominated na rin ang mga Chinese,” say ni Ser Chief.

May negosyong pinasok ang aktor na hindi siya nagtagumpay.

“Before I entered showbiz, may kinuha kaming franchise, siyempre hindi masyadong ano (kumita), hindi namin na-background check masyado, ‘yun pala parang naloko lang kami, so you have to be very careful. Oo, mayroon din (lugi), hindi lahat panalo, pero that is one of how many, so it’s just that hindi puwedeng mag-jump into something, dapat you have to really study at dapat aralin mo kung sino ‘yung mga makakasama mo, sino ‘yung parent company, sino ‘yung tao behind it, kung may kalokohan sila rati at malalamam mo kung puwede mo sila uli pagbigyan o hindi na,” pagtatapat nito.

”If you want to go into business, kailangan talaga bantayan mo, hindi puwedeng you ask somebody to take care of it kasi, you have to remember, walang taong gagawa ng pera para sa ‘yo, ikaw talaga ang gagawa ng pera para sa kanila.

“Kailangan magaling din ‘yung partners mo at committed din, ‘yun ang siktreto talaga, kasi ‘yung partners ko, we have our own responsibilities. Basta gawin nila ‘yung sa kanila, gagawin ko ‘yung sa akin then it will help the company run,” payo ni Richard sa mga may planong magtayo ng negosyo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan . 

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *