Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, nagpapagawa ng bahay malapit kay Kris

 

051815 kris aquino herbert bautista

00 fact sheet reggeeKaaliw, ang haba ng kuwento ni Kris, eh, ang tinatanong namin ay kung totoong may bahay na ipinatatayo si Quezon City Mayor Herbert Baustista sa subdibisyong na siya ring tinitirhan nilang mag-iina, bukod dito ay nagkikita o dinadalaw daw siya.

“Hello, kailan daw? Wala naman sa bansa si HB? Nasa States siya since June 6 for convention and something-something.

“At hindi kami nagkikita, Reggs sa totoo lang. Kung nag-uusap kami thru text ay dahil may movie kami, pero never kami nagkita at saka professional ang pag-uusap namin, Reggs,” mabilis na sabi sa amin ng TV host/actress.

Bukod sa pelikulang pagsasamahan ng dalawa ay, “isa pang reason bakit kami nag-uusap ay dahil kinuha siya ng ABS-CBN na maging co-host ko sa ‘Kris TV’ for live episode.

“Yes, Reggee, magla-live na ang ‘Kris TV’ kasi we’ll gonna start shooting nan g movie on the 28th (June), ‘yung Etiquette for Mistresses, kaya live na kami sa studio, tapos taping lang ng isang araw. Every other Sunday lang ang day-off ko kasi nga shooting na kami.”

So, tinanggal na kaagad si Ramon Bautista bilang co-host sa Kris TV? Wala pang dalawang buwan?

“Hindi kasi niya (Ramon) kaya mag-live at hirap siya sa schedules, kaya si HB na ang co-host ko, that’s management decision,” katwiran ng Queen of All Media. Kaya siguro may balitang nagkikita o dumadalaw si Mayor dahil nga magiging co-host niya sa Kris TV, “eh, bahala na sila at saka may movie nga kami, ‘di ba?”

Tungkol naman sa bahay daw na ipinagagawa ni Mayor Bistek.

“Nakakaloka, it’s not his bahay, it’s the Quezon City Office ‘yun na katapat ng subdivision namin, biniro ko nga na, ‘gusto mo lang mapalapit sa akin, eh.’

“Seriously, Reggs, hindi bahay ‘yun kundi opisina ‘yun at I think, halos lahat ng district ay may sariling opisina, since nasa District 3 kami, so ganoon nga.

“I think matagal ng nabili ‘yung lupa ng Quezon City, nagkaroon ng pondo so, tinayuan na ng building, ang bilis nga, eh, in months lang, tapos na,” paliwanag sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …