Saturday , November 23 2024

Injury mukhang magiging perjury laban kay pinoy boxing champ Pacman

00 Bulabugin jerry yap jsyITO ngayon ang masaklap na kinakaharap ng ating Boxing Champ na si Manny “Pacman” Pacquiao sa Nevada Athletic Commission.

‘Yan ay matapos daw umanong itago ni Pacman ang kanyang injury sa kanyang rotator cuff.

Wala kasing idineklarang ‘injury’ si Pacman base sa kanyang nilagdaang up-to-date information sa Nevada Athletic Commission bago ang laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

Kaya marami ang nagsasabi na ‘yang ‘injury’ ni Pacman malamang maging ‘perjury’ pa, kaya posible siyang pagmultahin o suspendihin.

‘Yung suspensiyon, medyo okey pa dahil makapagpapahinga siya lalo’t nakatakda siyang operahan dahil nga sa napunit na cartilage sa kanyang rotating cuff.

Ang masama ‘yung multa. Tiyak mababawasan ang kinita niya sa “Battle For Greatness.”

Mukhang maraming nagreklamong miyembro ng sindikato ‘este ‘boxing aficionado’ na pumusta kay Pacman kaya ngayon ay gusto nilang ‘maibalik’ ang natalo nilang dolyares?!

Hehehe…

Kidding aside, mukhang kailangan ni Manny ng isang mahusay na abogado, pero sana lang, hindi Nevada lawyer. Dahil baka malutong-Vegas ang kanyang depensa kung sakaling i-sanction siya.

Baka matulad sa laban nila ni Floyd na Kano ang referee maging ang tatlong judges.

Masyado sigurong nainsulto ang kampo ni Mayweather Jr., dahil kahit siya ang nanalo ‘e inulan siya ng ‘booo’ kaya hindi tayo nagtataka kung bakit mayroong gigil na gigil na maipahiya sa Amerika si Pacman.

Ang huling balita ‘e, okey daw si Mayweather sa rematch. Pero dapat sigurong alamin ni Pacman kung ano ang nasa likod ng rematch na ito.

Anyway, wish lang natin na ma-enjoy ni Manny at ng kanyang pamilya ang pamamalagi nila ngayon sa Los Angeles.

Anyare na sa Philippine National Railways!?

MASYADO  tayong nalungkot nang pagdating natin sa bansa ay nabungaran natin sa pahayagan na under inspection daw ang perokaril ng Philippine National Railways (PNR) mula Manila hanggang Bicol.

‘Yan ay dahil sa nangyaring pagkakadiskaril ng PNR at halos 80 pasahero ang tinatayang nasaktan.

Nadiskaril dahil nagkaroon ng gatla (espasyo) ang riles kaya biglang tumagilid ang tren ng PNR. ‘Yun bang parang natalisod, hayun maraming pasahero ang nasaktan. 

Nakalulungkot dahil kagagaling lang po ng inyong lingkod sa Japan at sa Europa na talaga namang napakaganda at napakahusay ng kanilang railway system.

Isang tunay na mass transportation system na malaking tulong at malaking ginhawa sa commuters lalo sa turista.

Talaga pong nakahahanga ang kanilang railways system. Mabilis, mabango, moderno, malamig, safe na safe at talagang mare-relax sa paglalakbay ang mga commuter.

Makikita mo ang dami ng tao na sumasakay sa kanilang train. Mula sa pagbili ng ticket hanggang pagbaba ay walang hassle talaga.

Kaya nang mabalitaan natin ang nangyari sa PNR, isa lang po ang naging impression natin.

Imbes pasulong, paatras nang paatras ang sistema ng perokaril sa ating bansa.

Hindi lang ang buong sistema ang nakalulungkot. Maging ang publikong gumagamit ng PNR trains ay hindi natin kinakikitaan ng malasakit.

Ang loob ng PNR coaches ay napakarumi, mainit, sira-sira at nagkalat pa ang basura.

Maging ang mga bakal na riles at ‘yung mga traveza (kalang na kahoy) ay ninanakaw pa!

Aba ‘e, ano pa ang ginagawa ng mga guwardiya ninyo d’yan sa PNR?!

Sayang ang ipinundar na rail system ng mga naunang namamahala kung hindi ito pahahalagahan ng mga namumuno ngayon.

Tsk tsk tsk…       

Kumuha ng motor sa motor trade GMA Cavite wala pa rin plaka!

GOOD am po Ka Jerry ipapaalam ko po sa inyong tangapan na ako po ay kumuha ng motor sa Motor Trade GMA Cavite branch. Mag-iisang taon na po ung motor at matatapos ko na po bayaran isang hulog na lng pero ung plate no. po ng motor iniipit pa rin po nila. ang sabi po ni Miss Genie, branch head ng GMA branch, 90 days po mare-release na ung plate no. pero nakaka- dalawang 90 days na, pero wala pa rin ‘yung plate no. puro n lng po cla  pangako. ‘Yan po ang gusto  kung iparating sa inyung tanggapan. Sana po matulungan n’yo po ako. Salamat po. At sa inyong tangapan God bless #+63908490 – – – –

Sukdulan suklam kay Erap

WALA nang hahayup pa talaga sa dilang hayop kay mandarambung Erap Estrada. Talaga ‘ika nga sukdulan matindi talaga ‘pag sinunog na katawan niya kaya mga ungas at mga idiot talaga ang mga patuloy na dadakila sa ganyang animal.  – Katropa Donald ng Tondo. #+639196654 – – – –

Kalye de Guzman Quiapo ginawang talyer! Perhuwisyo pa sa pedestrian! (Paging: MPD-TEU)

SIR JERRY sumbong ko lang po hindi na makadaan ang aming sasakyan dito sa kalsada kasi ginawa na pong talyer gawaan ng motorsiklo dito sa De Guzman St., Quiapo Manila corner ng Hidalgo St . Sana po mabigyan ng aksiyon ang reklamo kung ito. Marami pong salamat Sir Jerry, tago lang po aking number #+63919234 – – – –

Tayuman PCP wala daw silbi!? (Attention: NCRPO RD Gen. Valmoria)

Sir Jerry, tulungan n’yo kami na manawagan na sibakin na ang tutulog-tulog na pulis dto sa Tayuman, Tondo. Nagkalat na ho ang tirador dto sa Dagupan, Almeda at Riles. Lalo na sa KATAMANAN at ALMEDA sts na lantaran ang bentahan ng shabu. Puro lang checkpoint para makapamitsa. #+63918629 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *