Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Mina, nakapag-taping agad ng MMK kahit abala kay Mandy

ni Pilar Mateo

032715 ara mina mmk

MOMS…Being one! Kakabinyag pa lang ng kanilang first-born ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa kanilang si Mandy (Amanda Gabrielle), pero up and about na ang aktres na si Ara Mina at nakapag-taping na ng kanyang MMK (Maalaala Mo Kaya) episode for this Saturday (March 28) sa Kapamilya.

Ang kuwento ay tungkol sa mag-inang kapwa single mothers at kasama ni Ara na magbibida sa naturang episode, si Sofia Andres.

Sa hangaring maibigay ang lahat ng pangangailan ng kanyang anak na si Joy (Sofia), napilitang mangibang-bayan ang single mother na si Bheng (Ara). Sa kanyang pag-alis, naiwan si Joy sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Ngunit dahil sa kakulangan ng personal na paggabay ng nakatatanda, maagang nabuntis si Joy ng kanyang boyfriend na kalaunan ay inabandona siya at ang kanilang anak.

Gaano kasakit para sa isang ina na matuklasan na ang minamahal niyang anak ay dumaranas ng kaparehong kapalaran na pagiging isang single mother? Ano ang kayang gawin ng isang anak upang maitama ang kanyang pagkakamali?

Bahagi rin ng upcoming MMK episode sina Liz Alindogan, Bea Saw, Alyanna Angeles, Pen Medina, at Julian Estrada. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Garry Fernando at panulat ninaJimuel Dela Cruz at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Samantala, excited din sa muli niyang pag-e-emote sa TV ang isa sa orihinal na Dolphy’s Angelsna si Liz na gaganap naman bilang nanay ni Ara at Lola ni Sofia.

“Ang saya ng set namin. At natutuwa ako na muling umarte. Hindi pa naman pala kinakalawang kaya masaya sa pakiramdam.”

At hindi sa MMK natapos ang so raring to be back sa trabaho na si Ara. Bitbit si Mandy, sumalang na rin ito sa Deal or No Deal at sumegue pa sa radio program na Mismo! nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz after ng taping.

“Ang bilis ko kasing ma-miss si Mandy. At saka bini-breastfeed ko siya kasi.”

Nasabak na rin si Mandy sa mundo ng kanyang ina. ‘Di malayong one of these days si Mandy na ang nagsu-shoot for her commercials!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …