Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MJ Lastimosa, wala pang plano after Binibining Pilipinas

 ni James Ty III

012915 mj lastimosa

PAPALAPIT na ang Bb. Pilipinas 2015 kaya habang tumatagal ay unti-unting nararamdaman ni MJ Lastimosa ang pagtatapos ng kanyang buhay-beauty queen.

Nakausap namin si MJ sa laro ng basketball noong Linggo ng gabi at sinabi niya sa amin na excited siya sa nalalapit na coronation night ng Bb. Pilipinas sa Marso 15.

Sa ngayon, wala pang plano si MJ para sa mga susunod niyang gagawin pagkatapos ng Bb. Pilipinas ngunit hindi niya isinasantabi ang posibilidad na pagpasok sa showbiz.

Nasa PBA si MJ upang panoorin ang kanyang boyfriend na player ng Purefoods na si Alex Mallari na nanguna sa panalo ng Hotshots kontra San Miguel Beer kasama si James Yap.

Habang nanood si MJ ng laro ay pinalabas ang Rated K ni Korina Sanchez saABS-CBN na ipinakita ang pagiging Sexiest Vegetarian niya.

Samantala, magiging host si MJ ng primer ng Bb. Pilipinas na Road to the Crown 2015 na mapapanood sa ABS-CBN sa March 8, 9:30 p.m. pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …