Friday , November 22 2024

Mag-ingat sa mga gestapong guwardiya sa Cosmo Bonifacio Global City

00 Bulabugin jerry yap jsyANG Bonifacio Global City (BGC) ay itinuturing ngayong No. 1 cosmopolitan city sa bansa.

Business, finance, posh residential condominiums, fine dining and resto/bar etc. Kumbaga a real cosmopolitan area for a real cosmopolitan people.

Pero mukhang nabago ang pagtingin ng kapamilya natin nang makaranas ng barbarikong pag-uugali mula sa tila ‘Gestapong’ security guards diyan sa BGC.

Diyan kasi sa BGC, napakahirap mag-park. Kumbaga napahinto lang sandali ‘yung sasakyan mo ‘e bigla ka nang kukuyugin ng mga ‘Gestapo’ este security guard. Hindi ka lang lalapitan, pipitohan ka pa nang napakalakas kaya lahat ng nasa sasakyan ay mapapalingon kung saan nanggaling ang pumito.

Ang mga establisyemento kasi sa BGC ay walang nakatakdang parking area para sa kanilang mga customer siguro dahil sa napakataas na presyo ng real estate sa area na ‘yan.

Hindi lang ang kapamilya natin ang naringgan natin nang ganitong reklamo. Marami pang iba. ‘Yung iba dahil nabuwisit na talaga ‘e hindi na sila gumagawa ng business transaction diyan. ‘Yung mga napipilitan naman, nagta-taxi na lang at kung tapos na ang transaction ‘e nagpapasundo na lang sa kanilang service car.

Pero itong kapamilya natin, na hindi naiwasang gumawi sa BGC ‘e talagang na-harass nang todo ng mga tarantadong aso ‘este sekyu na kinilala sa kanilang nameplate na sina VILLAR Ja. D., MAINGGA A.M., ODIADA R.P., at ANDRES J.C.

Nasa isang area na bawal daw mag-park ang kotse ng kapamilya ng inyong lingkod. ‘Yun agad-agad kinuyog ng apat na bastos na sekyu kasi bawal daw. Kaya ang ginawa niya, tinawagan ang driver para i-park ang sasakyan.

Aba ‘e para palang mga bulateng hindi mapakali ‘yang mga ‘Gestapong’ ‘yan, gusto antimano ‘e tanggalin doon ang sasakyan kahit hinihintay pa ‘yung driver.

Sa tindi ng harassment sa kapamilya natin ‘e tumindi ang iniinda niyang sakit sa likuran (back pain) kaya nakialam na rin ang mga bouncer at nakiusap sa mga ogag ‘este guwardiya.

Imbes huminahon ang mga mala-asong ulol na guwardiya dahil mayroong namamagitan na bouncer aba ‘e lalo pang umusok ang mga tumbong at maging ang mga bouncer ‘e pinagmumura ng mga tarantadong guard.

Mabuti na lamang at aware ang mga bouncer na sila ay nasa BGC kaya hindi na nila pinatulan ang mga sekyung daig pa ang German Shepherd kung umasta.

Paging Bonifacio Land Development Corporation (BLDC) mukhang itataboy ng mga kakontrata ninyong security agency ang progress and development diyan sa BGC dahil asal barbariko ng mga guwardiya n’yo!

Busisiin ninyo ‘yang sina Villar, Maingga, Odiada at Andres at patawan nang kaukulang parusa kung kinakailangan!

O higit pa, SIBAKIN!

mison extravagant

IMMIGRATION COMMISSIONER SIEGFRED MISON DEDMA SA HIDDEN WEALTH ISSUE

(Hindi na ma-reach ng kanyang dating estudyante sa PLM)

AYON sa isang dating estudyante ni Immigration Commissioner Siegfred Mison nagulat umano siya nang makita niya minsan ang dating professor sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ibang-iba na ang itsura at tipong hindi na rin ma-reach.

Hindi na raw katulad noong professor pa niya sa asignaturang SUCCESSION under law class.

Gustong-gusto namin maniwala na ibang-iba na nga ang kanyang kalagayan ngayon kompara noon.

Ngayon nga na balitang-balita na nagpapagawa umano siya ng mansion sa isang posh subdivision sa Quezon City.

Halos hindi magkandaugaga sa paggamit ng kanyang tatlong sports utility vehicle (SUV).

At higit sa lahat mayroon din umanong malawak na kabukiran sa Tagaytay at Bataan.

‘Yan ay dahil daw sa kanyang bagman ‘este mali’ trusted man na isang Russel Manguiat, Alien Control Officer sa Batangas Sub-port?

Iyang si Russel umano ang nakaaalam kung paano nasungkit ni Mison ang kanyang napakalaking farm sa Tagaytay.

Matagal nang usap-usapan at bulong-bulungan ang kanyang mga yaman sa Bureau of Immigration pero nakapagtatakang hindi nagsasalita si Commissioner Mison sa mga isyung ito. Wala tayong narinig na DENIAL sa parte ni Mison.

Hindi ba’t may kasabihan na silence means YES?

Ano sa palagay ninyo, BI spokesperson Atty. Ellaine Tan!?

Newsworthy ba ‘yang pananahimik na ‘yan para sa press release?!

By the way Commissioner Fried ‘este Fred Mison, natatandaan pa ba ninyo ‘yung asuntong inihain sa inyo sa Ombudsman na grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service dahil sa resibo ng gasolina at parking na ipinapasok ninyo sa inyong opisina?

Hindi na isang malaking suwerte ang tumama sa inyo nang pababain ng Ombudsman ang hatol na serious dishonesty. Mabuti na lang at reprimand lang ang hatol sa inyo kung hindi ay hindi ka ngayon nakaupo bilang Immigration commissioner.

Magugustuhan kaya ni Mang BADONG, ‘yung kostumbreng ang gas expenses sa household ninyo ay ipinapatong mo sa inyong tanggapan?!

Patay kang bata ka!

EDSA 29th

ANYARE 2.22.15 COALITION AT NTC!?

BUHAGHAG ang posisyon ng 2.22.15 coalition na umano’y umaabot sa 60 organisasyon sa buong bansa. Iilan lang ang dumalo sa rali na isinagawa nito noong Pebrero 22 sa harap ng EDSA shrine. Halos lilimang organisasyon lang ang aktibong kitang-kita sa nasabing rali gaya ng SANLAKAS, Movement Against Dynasty (MAD), GUARDIANS, at Citizens Crime Watch (CCW) at Water for Reform Movement (WARM).

Ayon sa grupo ang kanilang panawagan ay REGIME CHANGE at SYSTEM CHANGE, ngunit ito’y hindi naging epektibo para kagatin ng taong bayan.

Kasabay nito ang isang grupo na National Transformation Council o NTC na binuo sa Lipa, Batangas sa pamumuno si Bishop Arguelles, kasama ang ilang trapo at bagong mukha sa pagbubuo ng mga organisasyon, na ang iba ay miyembro rin ng 2.22.15 coalition.

Lumalabas sa kanilang ginawang mass action ay walang malinaw na miyembro ang mga organisasyon maliban sa limang grupo na dumalo sa rali sa EDSA noong Pebrero 22.

Kung ganito nang ganito ang postura ng 2.22.15 at National Transformation Council (NTC) wala itong mararating dahil may kanya- kanyang agenda at layunin. Kung sa simula pa lamang ay sabog na, ito’y maglalaho na parang bula sa kawalan. [email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *