Monday , December 23 2024

Immigration Commissioner Siegfred Mison dedma sa hidden wealth issue (Hindi na ma-reach ng kanyang dating estudyante sa PLM)

mison extravagant

AYON sa isang dating estudyante ni Immigration Commissioner Siegfred Mison nagulat umano siya nang makita niya minsan ang dating professor sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ibang-iba na ang itsura at tipong hindi na rin ma-reach.

Hindi na raw katulad noong professor pa niya sa asignaturang SUCCESSION under law class.

Gustong-gusto namin maniwala na ibang-iba na nga ang kanyang kalagayan ngayon kompara noon.

Ngayon nga na balitang-balita na nagpapagawa umano siya ng mansion sa isang posh subdivision sa Quezon City.

Halos hindi magkandaugaga sa paggamit ng kanyang tatlong sports utility vehicle (SUV).

At higit sa lahat mayroon din umanong malawak na kabukiran sa Tagaytay at Bataan.

‘Yan ay dahil daw sa kanyang bagman ‘este mali’ trusted man na isang Russel Manguiat, Alien Control Officer sa Batangas Sub-port?

Iyang si Russel umano ang nakaaalam kung paano nasungkit ni Mison ang kanyang napakalaking farm sa Tagaytay.

Matagal nang usap-usapan at bulong-bulungan ang kanyang mga yaman sa Bureau of Immigration pero nakapagtatakang hindi nagsasalita si Commissioner Mison sa mga isyung ito. Wala tayong narinig na DENIAL sa parte ni Mison.

Hindi ba’t may kasabihan na silence means YES?

Ano sa palagay ninyo, BI spokesperson Atty. Ellaine Tan!?

Newsworthy ba ‘yang pananahimik na ‘yan para sa press release?!

By the way Commissioner Fried ‘este Fred Mison, natatandaan pa ba ninyo ‘yung asuntong inihain sa inyo sa Ombudsman na grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service dahil sa resibo ng gasolina at parking na ipinapasok ninyo sa inyong opisina?

Hindi na isang malaking suwerte ang tumama sa inyo nang pababain ng Ombudsman ang hatol na serious dishonesty. Mabuti na lang at reprimand lang ang hatol sa inyo kung hindi ay hindi ka ngayon nakaupo bilang Immigration commissioner.

Magugustuhan kaya ni Mang BADONG, ‘yung kostumbreng ang gas expenses sa household ninyo ay ipinapatong mo sa inyong tanggapan?!

Patay kang bata ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *