Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich, nakakatanggap ng threat dahil sa pagiging ‘kabit’

022615 Kaye Erich

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Erich Gonzales na challenging ang role na ginagampanan niya sa Two Wives ng ABS-CBN, ang papel na Janine.

“Marami kasing hugot at angst sa buhay si Janine. At alam kong marami ang nakare-relate sa kanya,” ani Erich sa #TwoWivesPasasalamat presscon kahapon.

Sinabi pa ni Erich na first time niyang gumanap bilang bida/kontrabida at hindi nga naman iyon madali.

“First time ko sa role na bida-kontrabida. Tinanggap ko naman ito dahil gusto ko maiba naman. Ayoko kasi ng roles na paulit-ulit lang. So ayun, ang daming affected kay Janine. Rito ko na-realize na mahirap talaga ‘yung ganitong roles kasi ‘yung ibang tao nadadala sila sa takbo ng story at akala nila totohanan na,” pagbabahagi ni Erich.

Kaya naman nakatatanggap na ng threat si Erich dahil sa pagganap niyang Janine sa Two Wives. Tila maraming viewers ang naaapektuhan sa papel na ginagampanan ni Erich. Ayon kay Erich, “Isinet ko na sa private ang Instagram acct. ko dahil nakatatanggap po ako ng threat.”

Patunay na sobrang apektado ang viewers sa napaka-epektibong pagganap ni Erich. Kaya lang nakalulungkot na nakalimutan ng viewers na gumaganap lang si Erich sa isang role na ibinigay sa kanya na hindi dapat seryosohin ninoman.

Hindi naman mapasusubaliang marami ang tumututok sa Two Wives, kaya marami ang nagre-react sa gabi-gabing nangyayari kina Yvonne (Kaye Abad) at Janine (Erich). Lalo pa’t malaking usapin, sa pagtatapos nito, sa kung kanino dapat mapunta si Victor (Jason Abalos)? Sa dating asawa ba na si Yvonne o sa kabit na naging asawang si Janine?

Ani kaye, “Sa opinyon ko kailangan pa ring mauwi si Yvonne kay Victor para buo pa rin ang pamilya niya.”

Sinabi naman ni Erich na, “si Janine bata pa lang naghahanap na ng pagmamahal sa iba. Siguro hanapin niya muna ang sarili niya. May anak siya roon na muna siguro siya mag-focus.”

Sa loob ng ilang buwan ay gabi-gabing pinagsasabong ng publiko sina Yvonne at Janine kasama ang mga lalaki sa buhay nila na sina Victor (Jason), Albert (Patrick Garcia), Dale (Rayver Cruz), at Kenjie (Daniel Matsunaga). Bukod sa gabi-gabing pamamayagpag sa timeslot at pagte-trend sa social media, naging household names din sina Yvonne, Janine, Victor, at Albert patunay na marami ang naapektuhan sa kanilang kuwento.

Kaya naman sa nalalapit na pagtatapos nito, ang tanong ng bayan ay kung ano nga ba ang kahahantungan ng alitan nila? Hanggang saan sila lalamunin ng paghihiganti? Sino ang matitirang matibay sa dalawa? May lugar kaya sa kapatawaran? Dahil isa itong local adaptation, magtatapos din ba ang kuwento ng Pinay Two Wives tulad sa orihinal na Korean version nito?

Huwag palalampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Two Wives, weeknights pagkatapos ng Forevermore sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Two Wives gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …