Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga dapat gawin ni Xian para mapalapit sa mga Albayanos

ni Ambet Nabus

022315 Albay Joey Salceda Xian Lim

WELL, hindi pa nga naman matatawag na ‘all’s well that ends well’ ang mga eksena sa Albay people, kina Gov. Joey Salceda at Atty. Caroline Cruz at kay Xian Lim.

Kahit pa nga tinanggap ng aming butihing Albay Governor ang apology ni Xian, mayroon din namang mga paglilinaw at kondisyong matatawag para maging kompleto ang proseso ng “asking of apology to doing the penance, repentance, acceptance and restitution.”

Sa pamunuan daw ng Star Magic ay kailangang sumailalim sa Cultural Enhancement and Tourism Ethics seminar ang mga artista at handlers at road managers dahil hindi lang rumaraket bilang celebrities ang mga role model-star nila and their assistant, kundi dahil may power itong mag-influence, magsabi ng totoo at maging bahagi ng cultural and tourism affairs ng bansa.

“Lahat sila ay may kapangyarihan na maging spokesperson ng tamang behavior at dapat na alam ang proper decorum once na maimbitahan sa events, festivals at iba pa na tourism and cultural values ang ipino-promote. They don’t just go there to sing or dance, have photos with fans and sign autographs. Hindi sila binabayaran ng matataas na TF para magpakyut at mag-feeling diva o hari,” bahagi pa ng paliwanag ng napakahusay na papa Gov. Salceda namin.

At para kay Xian, naririto ang AMAZING RACE challenge na willing isponsoran sa kanya ng nasaktan niyang TOURISM office ng lalawigan (minus daw the TF) para mabuksan uli ang pinto sa kanya ng Bicol at para tunay niyang ma-experience ang pagiging isang Bicolano gaya ng sinasabi niyang “ugat” niya na marahil daw ay nakalimutang i-remind sa kanya ng lola at tatay niya na mga tubong-Bicol pala: Heto po ang listahan:

Visit Lake Danao in Polangui to appreciate the smallest fish, sinarapan
Oas Church, take a picture wt the baptistry, year 1600 pa
Gen Simeon Ola Museum, the hero of Albay, Guinobatan
Visit the sunflower plants and kawakawa hills, Ligao City
Cagsawa ruins
Then do the ATV, mayon walls
Church on the hills, Nuestro Porteria, Daraga
Eat sili ice cream
Lignon Hills and look at the whole Albay, Legazpi City
Mayon Rest house, Tabaco City
Picture of Vera Galls and do the river tubing, malinao
Eat DJC halo halo and pray Nuestra senora de Salvacion, Tiwi

Bongga iyan Mareng Maricris ha at bilang ikaw ay nakaranas ng ilan sa mga iyan, ikaw na humusga kung gaano kasarap, kaganda, at kasaya ang challenges na iyan sa BICOL. Go go go mare!!! (Naman!!! Halos lahat yata mare ay nagawa na namin at napuntahan. At super enjoy kami at babalik-balikan naming ang Bicol—ED)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …