Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibang loveteam, walang binatbat kina Daniel at Kathryn

ni Ed de Leon

021915 kathniel

HINDI naman sa gusto naming maging makulit, pero ano man ang sabihin nilang paninira para mapa-angat nila ang kanilang mga alaga, hindi natin maikakaila na mas sikat pa rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaysa mga sinasabing kalaban nila. Hindi natin kailangang sabihin, pero tiyak namin na mas malaki ang kikitain niyang Crazy Beautiful You na pinagtambalan ng dalawa kaysa alin mang pelikulang ginawa ng mga sinasabing kalaban nila.

Bigyan pa natin ng partida, palabasin mo sa isang mall, o pagsalubungin mo sa isang kalye iyang KathNiel at kung sino man ang sinasabing kalaban nila at tingnan natin kung sino ang mas dudumugin ng mga tao. Kasi ang pagkakabuo ng image niyang Kathniel ay wholesome talaga. Hindi kailangang gumawa ng kung ano-ano para lang mapansin. Hindi nila kailangang magbilad ng katawan.

Tingnan na lang natin ang past records, hindi lang minsan kundi dalawang ulit nang napuno ni Daniel ang Araneta Coliseum nang mag-concert siya, kahit na noon ay pinagtatawanan pa ng dalawang artista ang pagkanta niya. Tingnan ninyo iyong mga nagtatawa sa pagkanta niya noong araw, masasabi bang may career? Hindi ba flop ang huling concert? Pero si Daniel na sinasabi nilang hindi marunong kumanta, napuno ang Araneta.

Maglakad kayo, tingnan ninyo roon sa pinakamalaking bookstore, may mga ipinagbibiling items kagaya ng relo, pinggan, tray, ballpen, baso, at kung ano-ano pa na ang nakalagay ay mukha ni Daniel. Gagawin ba nila iyon kung hindi nabebenta? Samantalang iyong kalaban daw niya, nakita namin ang picture roon sa pahina ng isang lumang tabloid na ipinambalot sa binili naming tinapa noong isang araw sa kalye Villalobos sa Quiapo. Ano pa bang comparison ang kailangan?

Doon din sa Star City, may nagtitinda ng mga unan, ewan namin kung may permiso iyon ha, na ang nakalagay ay picture ni Daniel. Ang ibang mga unan, ang picture ay si Lee Min Ho at ang iba pang sikat na K Pop artists. Iyon kasi ang nabibili eh. Bibilib kami kung ang picture ng sinasabing kalaban niya ay makikita naming nakatatak naman sa beer mug.

Ano pa bang point of comparison ang gusto ninyo?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …