Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo, ‘di big deal kung suporta lang sa Crazy Beautiful You

021415 Inigo Pascual

00 fact sheet reggeeKASUSULAT lang namin dito sa Hataw kahapon ang bilis ng pagsikat ni Iñigo Pascual dahil nga kaliwa’t kanan ang projects niya sa ABS-CBN gayong wala pa siyang isang taong nanatili rito sa Pilipinas.

Naging lead actor na siya sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig, pero sa Crazy Beautiful You ay support lang siya kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kaya naman sa ginanap na presscon ng pelikula ng KathNiel noong Huwebes sa Dolphy Theater ay natanong ang batang aktor kung okay lang na suporta lang siya sa Crazy Beautiful You.

Maganda ang naging sagot ni Inigo, ”before I answer this, gusto ko lang na (isipin ng lahat) hindi palaging lead role ka. I’m happy to be a part of this movie, and it’s my first time with Star Cinema.

“So, hindi kailangan na lead role ako. At kasama ko ang KathNiel, so it’s an honor to be working with them, with Tito Gabby (Concepcion) at Tita Lorna (Tolentino).

“I’m very happy. I don’t feel bad being a side character and not being the main character.”

Nabanggit din ng anak ni Piolo Pascual na natutuwa siya sa KathNiel loveteam,

“Super. Kapag nakikita ko sila minsan lang ako nakapanood ng isang loveteam na super real. Kahit off-cam, nakai-inspire sila kasi nakita ko talaga na there’s a real bond na very special.

“Kaya sila nag-i-standout kasi sobrang sweet sila sa isa’t isa. I guess, that’s one thing really special about them.

“’Yun nga, kapag nakikita sila sa screen, parang it gives me the idea on how to act to my future loveteam ko,” papuri ng bagitong aktor.

Sa tingin ba ni Inigo ay nakatutulong ang love team sa pagsikat ng isang artista?

“It depends. It wil be good kung kaya mong mag-isa, pero siyempre po, now, gusto nila ‘yung kilig, ‘yung gusto nila ay ‘yung may partner.

“Kahit ano ang gusto nilang gawin o kung ano ang sasabihin ng mga boss natin, I’m willing to do it. At saka mas masaya ‘pag may partner,” nakangiting sagot ni Inigo.

Samantala, walang ka-loveteam si Inigo sa Crazy Beautiful You dahil nga ka-love triangle siya ng KathNiel.

“Noong nasa set kami, nakikita ko sina Kath at Daniel, parang naiinggit ako, na parang, ako, wala akong ka-loveteam. Parang naiinggit ako.

“Ako kasi, usually ang ka-love team ko, I bug them talagang hindi ko pinatutulog, lagi kong kinakausap.

“So, sabi ko, wala akong ma-bug dito sa set, so lahat ng tao, kinakausap ko na lang,” kuwento pa ng bagets aktor.

Sa tingin ba ni Inigo ay mas lalo pang sisikat ang love team nina DJ at Kath?

“I’m very proud that I witness them grow. Dati, pinapanood ko lang sila, wala, sila ‘yung loveteam na out nowhere ay biglang boom at hanggang ngayon ay, ‘di ba, kasi ang loveteam, nawawala ‘yan kaagad?

“Pero sila, hindi nawawala. And I’m sure, it’s gonna grow into a really independent people and as partners as well.

“I’m really lucky that I was able to work with them, and I’m very thankful at this point of my life, I’m working with them,” pahayag ni Inigo.

Mapapanood na ang Crazy Beautiful You sa Pebrero 25 handog ng Star Cinema na idinirehe naman ni Mae Cruz-Alviar.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …