Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Geronimo at Lee Min Ho, posibleng magsama sa pelikula

021315 Sarah Geronimo lee min ho

00 SHOWBIZ ms mHINDI raw magkasama sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Valentine’s day dahil pareho silang busy. Ito ang tinuran ng singer/actress kahapon sa presscon ng pinakabago niyang endorsement, ang San San Cosmetics.

“Wala pong plano (Valentine’s day) kasi pareho yata kaming may trabaho. May live (show) po for ‘The Voice.’ Wala, hindi kami magkasama sa Valentine’s. Sa 13 ay may trabaho po. As in every day po halos ang trabaho, so singit-singit lang ng oras.”

Kaya naman posibleng baka after Valentines na maganap ang kanilang date.

At nang tanungin ang aktres kung ano ang regalo ni Matteo sa kanya, sinabi ng aktres na, ”Ang Valentine gift lang na importante ay pagmamahal at pag-iintindi.”

Samantala, tuloy naman ang paggawa ng pelikula ni Sarah kasama si Piolo Pascual na posibleng umpisahan ang shooting after ng The Voice.

Umaasa naman siyang matuloy sana ang pagsasama nila sa isang pelikula ni Lee Min Ho. Subalit wala pa raw itong linaw dahil hindi pa sila nagkakausap ng Viva boss na si Vic del Rosario.

Sa kabilang banda, tugma naman sa personalidad at lifestyle ni Sarah ang araw-raw na paggamit ng San San Cosmetics na nagpapa-angat ng natural niyang kagandahan.

Mas gusto kasi ni Sarah na i-highlight ang kanyang natural features. Ang casual pero fresh look ang peg niya na isa raw sa mga paraan para magpakatotoo siya.

“Lagi akong naka-glamorous look on cam. Kaya ‘pag break ko sa work, mas gusto ko talaga ang all-natural simple look kasi ‘yun talaga ako. Para sa akin, kapag you’re true to yourself, mas nagiging confident ka at ‘yung confidence na ‘yun ang nakakapaganda sa’yo,” ani ni Sarah.
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …