Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, handa raw maglakad nang solo sa kasal nila ni Chiz

101714 heart chiz

00 SHOWBIZ ms mOKEY lang daw kay Heart Evangelista na maglakad ng solo patungo sa altar. Isa raw iyong pagpapakita ng katapangan niya at kung paano niya naharap ang mga problema.

Kung si Heart ang masusunod, siyempre’y gusto niyang maihatid siya ng kanyang mga magulang subalit kung hindi raw makararating ang mga ito’y okey na lang din sa kanya.

“Actually ever since before, ‘yun naman talaga ang naging problema namin ng parents ko. It’s very hard for them to let go. So matagal ko na rin sinasabi, even in my previous interviews, na baka hindi sila pumunta. Siyempre may kaunting hope ako na dumating sila. But I’ve accepted that,” giit ni Heart sa isang interbyu.

“It is also big for me to walk na mag-isa kasi parang ‘yon na rin ang naging journey ko, na maging brave. Pinaninindigan ko ‘to and this is my lifetime choice. As a woman, this is where I will go,” dagdag pa ni Heart.

At dahil wala ang kanyang mga magulang, posibleng ang kanyang kapatid ang maghatid sa kanya para kay Sen. Chiz Escudero.

“Actually, they wanted to walk me down the aisle. Pero sinabi ko na daddy ko lang talaga ang gusto kong maglakad sa akin. So walang magre-replace sa kanya. Maglalakad ako pero sa bandang gitna, nandoon ‘yung mga kapatid ko. Sila ang magbibigay sa akin kay Chiz,” paliwanag ni Heart na ikakasal sa Balesin Island Club sa February 15.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …