Friday , November 22 2024

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw

Brillantes-pcosHETO pa ang isa!

Matigas (ang mukha) na pinaninindigan ni Commission on Elections (COMELEC) retirabale chairman Sixtong este Sixto Brillantes, Jr., na dahil malapit na siyang magretiro kaya hindi na siya lumalahok sa mga deliberasyon sa poll body.

‘Yan ay sa harap mismo ng hearing sa joint congressional oversight committee (JCOC) on automated elections na nag-iimbestiga sa alegasyon ng iregularidad sa paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) machines ng Smartmatic niya pinanindigan.

Sinabi umano ni Brillantes sa komite: “For the record, hindi na ho kami sumasali sa deliberations. Sa steering committee na. Silang apat. Kaming tatlo, medyo matatanda na kaunti. Hindi na kami sumasali (For the record, we don’t participate in deliberations anymore. It’s all in the steering committee. The four of them. We three are quite old already. We don’t participate anymore).”

Pero sa Resolution 9922 ng Comelec en banc noong December 23, inaprubahan sa pamamagitan ng 5-2 vote ang extended warranty agreement sa pagitan ng Smartmatic at Comelec para sa P300 million diagnostic inspection ng 82,000 PCOS machines.

Si Brillantes, kasama sina outgoing Commissioners Lucenito ‘sugpo’ Tagle at Elias ‘3m’ Yu-soph ay bumoto umano pabor sa kontrata, gayon din sina Christian Lim at Al Parreno. Sina Commissioners Arthur Lim at Luie Tito Guia naman ay bumoto kontra sa deal.

Ito ‘yung tinatawag na ‘midnight deal’ na binatikos ng watchdog groups, IT experts, Church and religious leaders, non government organizations, civic groups, at people’s organizations sa pagitan ng poll body at reseller na Smartma-tic.

“How can he say he was not participating anymore when the resolution showed he actively took part in the act of practically gifting Smartmatic with the entire P2-billion project package before Christmas?” ayon mismo ‘yan kay Atty. Magdamo.

Tsk tsk tsk…what the fact!?

Huling-huli na, tigas pa rin sa pagsisinunga-ling si Brillantes.

Mantakin ninyong pinagbotohan noong Disyembre 29 (2014)? E anong tawag d’yan?

Hindi ba midnight deal ‘yan, Chairman Sixtong ‘este Sixto?!        

Ang tanong nga ng mga kababayan natin, hindi man lang ba hinaplos ng mga pagdalaw ni Pope Francis ang konsensiya mo, Chairman Sixtong ‘este Sixto Brillantes Jr?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *