Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbibigay halaga sa pamilya, mapapanood sa Flordeliza

011415 Jolina Marvin Ashley Sarmiento

00 Alam mo na NoniePAGMAMAHAL ng pamilya ang mararamdaman ng viewers sa pinakabagong family drama series ng ABS-CBN na Flordeliza na magsisimula na ngayong Lunes, January 19.

Tampok dito ang pagbabalik-tambalan ng ’90s iconic Kapamilya love team nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Ang Flordeliza ay base sa mga pangalan ng mga bidang karakter na sina Florida (Jolina) at kanyang anak na si Flor (Ashley Sarmiento), at Elizabeth (Desiree del Valle) at ang anak niyang si Liza (Rhed Bustamante).

“Ang Flordeliza ay kuwento ng dalawang pamilya. Ito’y sesentro sa dalawang ina at dalawang bata na pagbubuklurin ng pagmamahal at paglalayuin ng isang malungkot na katotohanan.

“Ipapaunawa nito sa mga manonood na ang pagmamahal ng pamilya ang siyang tunay na bumubuo sa ating pagkatao,” pahayag ni Direk Wenn V. Deramas na siya mismo ang bumuo ng konsepto at co-director ng serye, katuwang si Tots Sanchez-Mariscal IV.

Bahagi rin ng cast sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, at Juan Rodrigo.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng “Flordeliza” sa Enero 19, ang “Kapamilya Thank You Day” ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/FlordelizaPH, Twitter.com/FlordelizaPH at Instagram.com/ FlordelizaPH.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …