Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN, nangungunang TV network sa buong taon ng 2014!

00 SHOWBIZ ms mNANGUNGUNANG TV network ang ABS-CBN sa buong taon ng 2014 dahil mas maraming kabahayan ang tumutok sa mga programa nito lalo na pagdating sa pinakamahalagang timeblock, ang primetime block—6:00 p.m.-12MN.

Ayon sa datos ng Kantar Media mula Enero hanggang Disyembre 2014 ay nagtamo ang Kapamilya Network ng total day (6:00 a.m. to 12MN) average national audience share na 44%.

Hind lang ‘yan. Lahat pa ng puwesto sa listahan ng 20 na pinakapinanonpod na programa sa buong bansa sa katatapos lang na taon ay hinakot ng ABS-CBN. Pinangunahan ito ng Twitter-trending singing reality show na The Voice Kids na may average national TV rating na 34.5%.

Pagdating naman sa balita, nananatiling pinakasinusubaybayan ang top 11 na TV Patrol dahil sa average national TV rating of 27%.

Kabilang pa sa top 20 programs noong 2014 ang Honesto (31.7%), Dyesebel (30.1%), Ikaw Lamang (28.4%), Got To Believe (28.3%), Hawak Kamay (28.1%), Maalaala Mo Kaya(28%), Dream Dad (27.7%), The Voice of the Philippines (27.5%), Wanspanataym (27.1%), Forevermore (26.8%), A nnaliza (22.9%), Rated K (22.7%), The Legal Wife (22.4%), Bagito(22.1%), Pure Love (21.6%), Home Sweetie Home (21.5%), Mga Kwento Ni Marc Logan(21.1%), at Two Wives (20.9%).

Maging sa huling buwan ng taon ay rumatsada pa rin sa ratings ang ABS-CBN matapos pumalo ang total day average national audience share nito noong Disyembre sa 43%.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …