Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, nag-walkout daw sa isang event sa Italy

ni ALex Brosas

112714 Kathniel

NAALARMA ang KaDreamersITALY, isang fan club nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa bira sa kanilang idols ng isang kathniel26_acc na nag-akusang nag-walkout ang dalawa sa meet and greet event sa Milan, Italy.

Ang haba ng paliwanag ng KaDreamersITALY na nagsabing hindi naman nag-walkout sina Daniel at Kathryn at ang management at producers daw ang nag-decide na itigil ang meet and greet dahil magulo na at pati hindi VVIP ticket holders ay pumila kahit hindi naman sila dapat kasali sa meet and greet.

Ayon pa sa grupo, mayroon pang fans na pabalik-balik sa pila at umuulit para makasama lang sina Kath at Daniel.

Sa souvenirs naman, nalaman lang ng producer mula sa Star Magic na bawal pala ang magbigay ng souvenirs ang magka-love team. Naimbiyerna kasi ang fan nang malamang wala palang souvenirs ang dalawa during the concert, eh, may nakalagay sa ticket ng VVIP na mayroong photo op, souvenir at autograph signing.

Sa cake na ibinigay ng isang fans club para so mommy ni Kath na si Tita Min, sinabi nitong hindi nga nila naibigay ang cake pero labis-labis ang pasasalamat ng mom ni Kath sa grupo.

In-stress ng KaDreamersITALY na ‘di nila ka-member ang nag-rant sa Twitter na nag-walkout sina Kathryn at Daniel sa show nila sa Italy.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …