Saturday , November 23 2024

Public servants na magagaling

00 parehas jimmyKUNG serbisyo publiko ang pag-uusapan maraming magagaling ngayon at talagang todo suporta sila sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sila ay talagang tapat at mahuhusay magserbisyo sa publiko kaya naman pinagkakatiwalaan sila ng ating Pangulo at ng taumbayan.

Dahil na rin sa programa ni PNoy na walisin ang mga tiwali sa gobyerno kahit sino ang masagasaan ay talagang walang palulusutin kaya hanga tayo sa pamamalakad ni PNoy sa ating bansa. Walang malakas sa kanya.

Keep it up President Noy. Pagpalain ka lagi ng Panginoon.

Isa sa aktibong nagseserbisyo sa publiko ang magaling na BIR Commissioner Kim Henares na walang pagod maghabol ng tax sa mga ‘di nagbabayad nang tama.

Keep up the good work Comm. Kimm Henares!

***

Si Finance Usec. Estela Valdez naman, sa tagal niya sa gobyerno ay wala man lang tayong narinig na reklamo sa kanya. Mula BIR hanggang maging Undersecretary ng Finance ay napaka-down-to-earth niya. Naniniwala tayo na malayo pa ang mararating niya bilang public official.

***

Isa pang magaling ay si MIAA GM Angel Bodet Honrado.

Siya ay talagang masipag at tuwid na daan ang pinaiiral sa kanyang nasasakupan dahil marami siyang nagawang maganda sa ating paliparan. Inalis niya ang mga corrupt kaya naman mas lalo pa siyang hinahangaan ng marami, siya ay simple at tahimik na tao pero pag nagkamali kayo ay may kalalagyan kayo.

Keep up the good work sir GM!

***

Sa NBI naman ay hindi matatawaran ang pamumuno ni Director Atty. Virgilo Mendez para labanan at sugpuin ang kriminalidad sa ating bansa.

Kaya hanga ang buong bansa sa NBI dahil sa magagandang accomplishment nila.

Always keep up the good work NBI! God will guide you always. Mabuhay ang NBI.

***

Sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy, isa si Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno na maasahan ng ating Pangulo sa BoC.

Mabait siya pero pagdating sa trabaho ay estrikto. Wala siyang kinakampihan, lahat patas sa kanya.

Wala siyang pansariling interes sa posisyon at di makikitaan ng kayabangan sa katawan. Napakasimple niyang tao pero marami siyang natutulungan dahil sa pagiging maka-Diyos niya.

Mahigpit n’yang ipinatutupad ang “no take policy” sa Customs at walang makalulusot na mga smuggler sa kanya dahil todo bantay sila sa lahat ng pantalan.

Mabuhay ka Depcom Ariel, naniniwala tayo na kasipagan mo sa buhay ay mas mataas pa ang iyong mararating. God bless, sir!

***

Pagdating naman sa Customs Collection Perfomance ay hindi nagpapahuli sina Davao Mindanao Container Terminal Port Collector Samson Pacasum at sa BoC-Cebu na pinamumunuan ni Gen. Roberto Almadin.

Sa BOC-NAIA ay si District Collector Ed Macabeo at Deputy Collector Pair Cargo na si Coll. Francisco Matugas ay patuloy na maganda ang ipinapakita gaya ng naunang dalawang opisyal na nabanggit natin na tapat sa pagseserbisyo sa bayan.

Keep up the good work mga sir!

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *