Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Samboy inalis na sa ICU (Mga PBA legends tutulong kay Lim)

ILANG mga dating kasamahan ni Avelino “Samboy” Lim sa PBA ang nagpaplanong magtayo ng isang exhibition na laro para tulungan sa paglikom ng pera para sa pagpapaospital niya.

Ito’y kinompirma ni Purefoods Star team manager Alvin Patrimonio habang unti-unting inaayos ang paglilipat ni Lim mula sa intensive care unit ng Medical City Hospital sa Ortigas sa isang regular na kuwarto.

Matatandaan na biglang hinimatay si Lim habang nagpahinga sa bench sa isang laro noong Nobyembre 28 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ayon sa mga medical tests, aktibo pa rin ang utak ni Lim at umikot naman ang kanyang mata kahit naka-comatose pa siya.

Bukod pa rito ay humihikab pa rin si Lim at gumagana pa rin ang kanyang mga vital organs, bukod sa pagiging stable ang kanyang blood pressure.

Sa tulong ng mga dating PBA superstars tulad nina Ramon Fernandez at Allan Caidic, ibinuksan na ng pamilya ni Lim ang isang account sa Banco de Oro kung saan puwedeng mag-deposito ang mga tagahanga at kaibigan niya ng mga donasyon para tumulong sa panggastos ng pagpapaospital niya.

Pati ang PBA Commissioner’s Office ay tumutulong kay Lim, ayon kay Media Bureau Chief Willie Marcial.

Nag-donate din si Asi Taulava ng NLEX ng P10,000 sa pamilya ni Lim.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …