Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, aalagaan muna ang anak, next year na muling magtatrabaho

jodiNAMAALAM na sa ere kamakailan ang kilig seryeng Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta Maria at Richard Yap. Ano nga ba ang pakiramdam ng dalawa na nagtapos na ang kanilang serye na tumagal ng dalawa at kalahating taon?

“It’s just natural. Ano kasi naging kasama namin sila (fans ng ‘BCWMH’) ng two years and a half so marami na ‘yung naging habit nila. I’m sure mami-miss nila ‘to in a way. Nalulungkot din kami not only for us but for them also,” sabi ni Richard.

Si Jodi naman, nalungkot din sa pagtatapos ng kanilang serye at naiintindihan niya kung malungkot din ang mga fan nila sa serye.

“Tulad ng sinabi ni Richard, ‘di maiiwasan na maging ganoon ang reaction ng mga tao dahil dalawang taon din naman nila nakasama ang ‘Be Careful With My Heart’ at siyempre kahit na anong bagay na nagsisimula, may katapusan din.”

Para kay Richard, ang wedding scene nila ni Jodi sa BCWMH ang tumatak sa kanya at pinakapaborito niyang eksena.

At si Jodi, ano naman ang eksenang hindi niya malilimutan sa kanilang serye?

“Sa two years, marami kasing mga eksena na tumatak sa akin, isa na siguro ‘yung time na nanny pa si Maya, ‘yung nag-play siya na mermaid tapos nalaglag siya sa pool.

“And then ‘yung nagharana sa kanya si Sir Chief na talagang marami sa mga kababayan natin ang kinilig and of course ‘yung sinabi ni Sir Chief, ‘yung wedding.”

Matapos ang Be Careful taping skeds ng dalawa, babawi sila sa kanilang mga pamilya ng bakasyon at pahinga.

“Well ako magpapahinga muna. Mag-spend muna ng time sa anak ko. Babawi ako sa kanya. Ayun pahinga muna siguro. Next year na ako magtatrabaho,”  sabi pa ni Jodi.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …