Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malayo pa sa Done Deal

00 kurot alexDONE DEAL na nga ba ang ikinakasang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr?

Whew!   Sa totoo lang, hilong-hilo na ang lahat ng boxing aficionados sa tunay na estado ng ikinakasang laban.

Sa totoo lang, wala pa talagang malinaw na resulta ang pinag-uusapang laban nina Manny at Floyd, pero ang mahalaga, patuloy ang pagpupunyagi ng malalaking tao sa sirkulo ng boksing para maikasa ang nasabing bakbakan.

Kamakailan lang ay naglabasan na sa ilang jaryo na done deal na nga ang nasabing laban.

Pero mukhang malayo pa sa katotohanan iyon.

Sa totoo lang, gusto ni Pacquiao na matuloy ang kanilang laban ni Mayweather.  Hayagan na niyang sinabi iyon pagkatapos na dominahin niya sa laban si Chris Algieri nito lang nakaraang buwan.

Tayong lahat ay gustong mapanood ang labang iyon.   Pero ang malaking tanong ay kakasa ba si Floyd sa hamon?

Aba’y nito lang nakaraang araw ay may panibagong taktika na naman si Mayweather para magulo ang negosasyon ng kani-kanilang kampo.

Sa latest report sa ilang boxing websites, humihingi umano si Floyd ng two-thirds ng magiging revenue sa laban nila ni Pacman.

Mukhang gumagawa na naman si Floyd ng panibagong ploy para maging solidong muli ang kanyang pag-atras sa laban.

Tingin kasi ng maraming kritiko, mukhang mahirap sikmurain ni Pacquiao na itinuturing na isang global icon sa boksing na tanggapin ang nasabing demand ni Mayweather.

Aba’y dasal na lang tayong lahat na nagmamahal sa boksing na sana nga’y matuloy na minimithing laban.   At sana’y matanggal na sa katawan ni Floyd ang pamamalahibo kapag si Pacman na ang pinag-uusapan.   Amen!

Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …