BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12.0 degrees Celcius ang temperatura sa Lungsod ng Baguio dahil kay bagyong Ruby.
Ayon kay Wilson Lucando, local weather forecaster ng Pagasa sa Baguio, ito ay dahil sa epekto ng hanging amihan na hinihila ng bagyong Ruby na nananalasa ngayon sa Western Visayas.
Habang dala ng hanging amihan ang malamig na simoy ng hangin mula sa bansang China.
Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa City of Pines ngayong Disyembre.
Inaasahang titindi pa ang lamig sa Summer capital of the Philippines sa Enero at Pebrero dahil ito ang mga buwan na nakararanas nang malamig na temperatura ang nasabing siyudad.
Grace Yap