Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Geoff, hindi apektado ng mga intrigang ibinabato sa kanya

HINDI man na-trauma sa hiwalayang nangyari sa kanila ni Carla Abellana, aminado si Geoff Eigenmann na may galit siyang nararamdaman.

Pero iginiit niyang wala siyang pinagsisihan sa apat na taon nilang relasyon ni Carla. At sakaling main-love muli, ayaw na niya ng taga-showbiz.

Maligaya naman si Geoff sa kasalukuyan dahil nagagawa raw niya ang mga bagay-bagay na hindi niya nagawa noong mag-on pa sila ni Carla. ”I don’t need to be anyone to be happy, to know I’m fine. All I need is my family and my friends. Sila lang kailangan ko and they are always been there for me.

“Since the break-up I’m enjoying myself. Ginagawa ko ‘yung mga gusto kong gawin like sports, ‘yung jui jitsu. I’m into competing I’ve been training like crazy. Dati nagagawa ko naman although my hesitations, siyempre may iko-consider akong dalawang pamilya—Carla and my family,” paliwanag ni Gabby na nakausap namin sa pa-Christmas party ng PPL talent management sa mga entertainment editor.

Bale ngayon lang nagsalita o nag-open-up si Geoff ukol sa naging hiwalayan nila ni Carla. Bagamat hindi siya sumagot noon sa mga ibinatong isyu sa kanya, tila naikompara pa rin siya, hindi man tuwiran, bilang isang evil person.

“That’s her opinion, I think whatever she said or she says, it reflects more on her than me,’coz I’m more been quiet sa kahit anong sinasabi niya. Whatever she said wala kayong narinig sa akin,” paliwanag ng actor na lalong gumwapo dahil malaki-laki na rin ang ipinayat.

Iginiit pa ni Geoff na hindi naman daw siya na-offend sa tinurang iyon ng dating karelasyon. ”I don’t really offended for what she said. For me, she can say whatever she wants to, kung sa tingin n’ya na ganoon ako…she was with me for four years, so she’s been with a devil for 4 years…” sambit pa ni Geoff na mapapanood sa bagong serye ng GMA7, ang Kailan Ba Tama ang Mali?

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …