Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakabatang chess grandmaster ever

ni Tracy Cabrera

IILAN lang ang makapagsasabi o makapagyayabang na bumasag sa isang major American record sa edad na 13 taon, 10 buwan at 27 araw.

Dangan nga lang ay maipagmamalaki na ito ngayon ng chess prodigy na si Samuel Sevian, makaraang koronahan siya bilang youngest-ever Grandmaster, sa pagbura ng dating record holder ng mahigit isang taon.

Sa isang torneo sa St. Louis kamakailan, napanalunan niya ang lahat ng apat na larong nilabanan niya sa pagtulak ng kanyang World Chess Federation rating lampas ng 2,500 puntos—sapat para makamtan ang Grandmaster status.

“Masaya ako at relieved na rin. Ito ang isa sa best tournament performan-ces ko,” wika ng batambatang chess wi-zard. Tinalo niya ang tatlong Grandmaster sa torneo sa loob lang ng 20 hanggang 25 move.

Namumutok sa pagbubunyi ang kanyang ama—isang siyentistang isinilang at lumaki sa Estados Unidos.

“Talagang na-outplay niya ang kanyang mga kalaban sa tatlong laro. Ngunit sa ika-apat, iyon ang balik-balik na palitan, hindi ito naging malinaw,” pahayag niya. “Para itong naging blitz, nagwakas sa huling mga segundo. Pareho silang nangangatog.”

Ang dating record ng pinakabatang US Grandmaster ay hawak ni Ray Robson, na nakakuha sa titulo dalawang linggo bago sumapit sa kanyang ika-15 kaarawan. Minsan din itong hinawakan ng American legend na si Bobby Fischer..

Sa edad na 12 anyos at 10 buwan, nakamit ni Sevian ang titulong youngest International Master.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …