Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joross, naiyak sa kanyang kasal

ni Roldan Castro

UMIYAK si Joross Gamboa sa seremonya ng kasal nila ni Katz Saga noong Sabado, Nov. 29 sa Fernbrook Gardens sa Portofino South Daang Reyna, Las Pinas. Masaya ang nasabing Christian Wedding na tinusok-tusok ni John Lloyd Cruz si Joross ng pin habang isinasabit ang veil kaya napasigaw ito ng ‘aray ko, aray ko’.\

Comedy din ang outfit ni Ketchup Eusebio bilang coin berrer na nagmukhang Sto. Nino.

Naging abay din ang barkada ni Joross na si JM De Guzman.

Magaling talagang makisama si Joross dahil pinutol ni Lloydie ang kanyang bakasyon with Angelica Panganiban sa US para makadalo lang sa kasal ng kaibigan. Huminga muna ng break si JLC nang kumustahin namin kung ano na ang status niya ngayon sa ABS-CBN 2.

Si Sandara Park ay dumating din galing Korea bilang reunion ng Star Circle Quest 1. Si Hero Angeles lang ang hindi nila makontak pero nandoon din si Melissa Ricks na malaki na ang tiyan at manganganak daw sa January. Late naman dumating si Joseph Bitangcol kaya hindi sila nagtagpo ng kanyang ex na si Sandara na hindi na namin nakita sa reception. Kasama naman ni Joseph ang girlfriend niyang theater actress na si Chesca Tonson. Nandoon din si Raphael ‘RJ’ Martinez na kasama rin ang girlfriend na si Lovely Yabao.

Dumating din ang mga ninong at ninang na sina Chairman Richard Gordon, Kapamilya Comedy Business Unit Head Linggit Tan-Marasigan, Direk Olive Lamasan, TV5 executive Joanne Banaga. Dumalo rin ang malapit kay Joross na si Direk Cathy Garcia Molina na ayaw mag-ninang pero nangakong darating.

Nakita rin namin ang kapatid ni Joross sa kuwadra ng kanyang talent manager/ninong na si Noel Ferrer gaya nina Bayani Agbayani, Marco Alcaraz with Lara Quigaman-Alacaraz, Luis Alandy. Nandoon din sina Jhong Hilario, Cacai Bautista, Eruption, Cholo Barretto atbp.. Nagsilbing host si JC Cuadrado sa program ng reception.

Congrats at best wishes kina Joross at Katz!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …