Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isa pang titulo para kay Alapag

ni Tracy Cabrera

080914 jimmy alapag

INAMIN ni PBA superstar Jimmy Alapag na patungo na siya sa huling yugto ng kanyang professional basketball career.

Mahigit isang dekada nang naglalaro ang 36-anyos na point guard sa Philippine Basketball Association, at ito rin ang nagbigay sa kanya ng iba’t ibang mga award.

Ngunit nais ng binansagang ‘Mighty Mouse’ ng PBA na bigyan ng isa pang titulo ang kanyang team na Talk ‘N Text bago siya tuluyang lumisan.

“I know my career is much closer to the end than it is from the beginning,” pahayag ni Alapag.

“But I’m just focused now on my being back to Talk ‘N Text, trying to win another championship,” dagdag niya.

Napanalunan na ni Alapag ang limang PBA title sa paglalaro sa Talk ‘N Text. Naagaw nila ang All-Filipino Cup title noong 2003, na nasundan ng Commissioner’s Cup crown noong 2011 at Philippine Cup championship noong 2009, 2011, 2012 at 2013.

Kasabay nito, nakamit niya ang ilang individual honor, tulad ng 2011 Most Valuable Player award, 2003 Rookie of the Year plum, at 2011 co-Finals MVP award.

Noong 2003, isinuot ni Alapag ang jersey ng Tropang Texters nang piliin si-yang 10th overall ng Talk ‘N Text sa PBA Draft. Mula noon ay hindi na niya ito iniwan.

Ayon kay Alapag, tuwang-tuwa siya nang piliin si ng Tropang Texters at ipinakita niya ito sa kanyang paglalaro at loyalty sa kanyang team.

“When I walked out and heard my name, I told my mom and dad I’ll make sure that Talk ‘N Text won’t regret drafting me,” aniya,

Bukod sa paglalaro sa PBA, inihayag din ni Alapag ang kanyang pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya at ang pagtitiwalang binigay sa kanya para maging isa sa manlalaro ng national basketball team.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …