Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater magkakaroon ng revamp

072814 blackwater sports

MALAKING balasahan ang mangyayari sa Blackwater Sports dahil sa bokya nitong kampanya sa PBA Philippine Cup.

Nagbanta ang team owner ng Elite na si Dioceldo Sy na pakakawalan niya ang ilang mga manlalarong hindi nagpakitang-gilas sa torneo.

Idinagdag niya na gagamitin ng coaching staff ng Blackwater ang dalawang huling laro nito sa eliminations kontra Talk n Text at San Miguel Beer bilang mga tryout upang determinahin kung sino ang mananatili sa koponan at sino ang tatanggalin.

“Nabigla kami sa pag-akyat namin sa PBA. Now we have learned and we now know what to do,” wika ni Sy. “Siguro kailangan mas bata. Kailangan we have to look at the team three years from now, we must invest in putting in young legs.”

Isa sa mga inaasahang mananatili sa lineup ng Blackwater para sa PBA Commissioner’s Cup ay ang rookie na si Brian Heruela.

“Brian refuses to lose and I like what I am seeing from him,” ani Sy.

Bukod dito ay si Sy mismo ay tutulong kay coach Leo Isaac sa paghanap ng malaking import para tulungan ang Blackwater na makabawi sa susunod na komperensiya.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …