Saturday , November 23 2024

Kaepalan isantabi para sa sambayanan

HINDI naman siguro tanga at lalong hindi naman bobo sina Department of Health Acting Sec. Jante Garin at AFP Chief of Staff, Gen. Catapang at sa halip ay magagaling na opisyal ang dalawa.

Kaya nga sila pinagkakatiwalaan ng Pangulong Noynoy. Iniupo ang dalawa sa pinakamagarbong upuan ng kani-kanilang departamento dahil sa tiwalang malaki ang kanilang maitutulong sa bansa.

Pero ano ito… simpleng Ingles o pakiusap ay tila nahirapan intindihin ng dalawa.

Akalain ninyo sa kampanya mismo ng Department of Health (DoH), nagbigay babala laban sa Ebola pero ano ang ipinakita ng dalawang epal este, matatalinong opisyal. Ano!? Hayun kaepalan ang kanilang ipinakita.

Ang linaw ng usapan na ang mga sundalong galing sa Liberia ay huwag munang lapitan para sa seguridad ng lahat pero ano ang kanilang ginawa, umepal ang dalawa.

In short, nilabag nila ang protocol para sa nakamamatay na Ebola.

Pinuntahan ang mga sundalo sa Caballo Island kahit apat na araw pa lamang inoobserbahan bagamat bago sila umalis sa Liberia ay negatibo sila sa killer Ebola.

Ngunit sa kabila ng pagka-negatibo ay kinakailangan pa rin isailalim sa 21 araw quarantine ang mga sundalo para matiyak na walang dalang virus.

Mula nang dumating sila sa Filipinas ay hindi pa nakikita ng mga sundalo ang kanilang mga mahal sa buhay – kumbaga, kapwa ipinagbawal na magkakitaan muna dahil nasa quarantine ang mga sundalo.

Naunawaan ito ng mga mahal sa buhay ng mga sundalo – kumbaga, tiis-tiis muna sila. Ang lahat naman kasi ay para sa kanilang kapakanan maging ng sambayanan.

Pero mismong mga nagbabalang taga-DOH – ang pinakamataas pa na posisyon ang lumabag sa protocol.

‘E para saan pa iyong binayarang patalastas sa radio, telebisyon at d’yaryo na panawagan hinggil sa Ebola?

Wala rin pala itong kuwenta. Pagsasayang lang ng salapi ang ginawa ng gobyerno o DOH.

Ipagpalagay natin safe na ang mga sundalo kaya inepalan na ng DOH ang lahat pero, ano nga ba ang ibig sabihin ng quarantine?

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan!

Pero por delicadeza, sa ginawa ng dalawang opisyal, dapat lamang na sila’y sumailalim sa quarantine din… pwede rin magbitiw na lalo na si DOH

Acting Sec. Garin kasi siya mismo ang itinuturong pasimuno ng pagbisita sa Caballo island.

Ano pang magagawa natin, nangyari na ang kaepalan kaya, manalangin na lang tayo na safe na lang ang lahat para sa sambayanan.

Congratulations again anak… luv u!

Ngayon araw ay convocation ng Diliman Preparatory School para sa grade school. Salamat sa Diyos at sa mga nanalangin. Kabilang uli ang aking bunso sa honor student – Grade 2. Na-maintain niya ang kanyang honors. Lord salamat sa regalong ito ni Tea. Napakagandang regalo ito sa akin sa araw na ito. Noong grade one si Tea, first rank din siya sa buong school year 2013-2014.

Salamat din Lord sa panibagong taon na ibinigay ninyo sa akin sa araw na ito. Salamat sa magandang kalusugan gayon din sa aking mag-iina.

Salamat rin Lord dahil matatapos na ang first semester – magaganda rin ang resulta ng eksamin ng aking panganak na si AA na estudyante sa conservatory music sa UST. Thank you po Lord.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *