Friday , November 22 2024

Mga parak MPD na hulidap at tulak kasuhan!

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI ang nag-aabang kung ano ang susunod na gagawin ni Manila Police District (MPD) Director, Gen. Rolanda Nana sa opisyal at walong (8) pulis na isinailalim ngayon sa imbestigasyon matapos makuhaan ng bulto-bultong shabu at marijuana sa kanilang kustodiya.

Marami talagang nagtataka kung bakit nakapag-ipon ng ganoon karaming ilegal na droga ang mga pulis ng MPD District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Ayaw nating husgahan ang mga nasabing pulis hangga’t hindi natatapos nag imbestigasyon, pero matagal na tayong nagtataka kung bakit walang naipipresentang huli ang nasabing yunit ng pulisya gayong maraming ulat na lagi silang nag-iikot sa mga lugar na kung tawagan ay drug infested.

Totoo kaya ang balitang ibinabangketa o huli-benta ng MPD-DAID ang mga nakuhang droga sa kanila?!

‘Yan bang tanong na ‘yan ang hint o sagot kung bakit sandamakmak ang droga sa opisina ng DAID?!

Sana ay mapanagot ni Gen. Naknak ‘este Nana ang mga pulis na sangkot sa pagtutulak ng nasabing ilegal na droga.

At kung mapatunayan na ilegal ang pagtatago nila ng droga sa kanilang locker ay kasuhan ng illegal possession of ilegal drugs.

Sana ay isunod na rin imbestigahan ni Gen. Nana ‘yung MPD anti-carnapping unit na balitang-balitang ‘tulala’ sa pagkawala ng recovered carnapped vehicles. Ganoon din ‘yung mga na-chopped-chopped na motorsiklo.

Isa-isahin mo na ‘yan Gen. Nana!

L.A. Cafe buhay na naman sa kalakalan ng bebot sa Maynila

HINDI lang pala ang TOP EMPEROR INTERNATIONAL ENTERTAINMENT KTV ang namamayagpag sa sex trafficking sa lungsod ng Maynila.

Every night, happy na naman pala ulit ang L.A. CAFE sa Mabini St., Ermita sakop ng MPD PS-5 dahil sa kalakalan ng babae sa loob nito.

Kung sa Emperor club ay exclusive sa mga bigtime na Chinese at Korean ‘e ito namang L.A. Café ay open-to all customers.

In short, lahat ng klase ng dayuhan ay nakapapasok dito para maka-pick-up ng bebotsky.

Ang raket nila ngayon para lumakas at humatak ng dayuhang costumer ay nag-recruit pa sila ng mga pa-booking na bebot na magkukunwari na costumer at kapag nagkasundo sa ‘gimik’ ang bebotsky at dayuhan ay 50/50 ang hatian ng club at babae.

Kung inyong matatandaan, ang club na ito ay ilang beses na rin ipinasara noon ni Mayor Lim.

Pero ngayon sa ilalim ng Erap administration sa Maynila ay alive and kicking na naman ang L.A. Café sa sex trafficking!

What the fact!?

Cpl. Ramos ‘hari’ rin pala ng sim/cell cards sa Baltao area?! (Attn: APD Chief Ret. Gen. Jesus Descanzo)

HINDI lang pala sa NAIA Terminal 1 ‘astig’ at ‘sikat’ si Airport Police Corporal Angelito Ramos, kundi maging sa Baltao Area ay kilala siyang ‘hari’ ng pagbebenta ng Sim/Cell Cards, pati E-Loads.

Very business minded talaga pala si Ramos!?

Sa Baltao Area, ang komunidad na malapit sa NAIA ay si Ramos ang numero unong supplier umano ng mga Sim/Cell Cards. Ibig sabihin, siya ang ‘Father of All Smart/Globe Loads’ Sim/Cell Cards na nagbabagsak sa mga tindahan sa paligid nito?!

Talaga palang bigatin ka Corporal!?

At ang latest news na nakapa natin ay ‘itinapon’ na raw si Ramos sa APD Headquarters?

Naku ‘e, tapunan ba o kangkungan ang punong himpilan ng APD? Para yatang napaganda pa ang puwesto ni Ramos?

Bakit ‘di ilagay si Ramos sa rampa para makapamaril ng mga langkay-langkay na migratory birds at makapagliligtas pa siya ng buhay?

Posible rin umano na magtayo ng cellphone loading station si Ramos sa HQ nila. Mukhang makokompleto na ang service provider sa APD GHQ. May nagtitinda na raw roon ng coffee vendo, may catering service, may APD uniforms at t-shirts supplier na rin. Baka makasundo pa ni Ramos ang local investor na nasa likod ng mga negosyong nabanggit?

Hik hik hik…

By the way Cpl. Ramos, nakakatulog ka ba nang mahimbing sa ginawa mo kay Ka Julie Fabroa, ang photo-journalist ng Manila Standard at stringer ng GMA 7?

Talagang kahit sa anong anggulo mo silipin ay “below the belt” ang katarantaduhang ginawa ni Ramos kay Ka Julie na ikinamatay nito.

Si Ramos ang sumita/humuli kay Ka Julie dahil sa pagtitinda sa Arrival Customs Area ng Sim/Cell Cards.

Si Ramos ang nag-imbestiga bilang Airport Police (APD). Pagkatapos ay APD ang nagsuspinde batay sa rekomendasyon ni Ramos na pinapirmahan n’ya sa kanyang mga opisyal.

In the pretext na binigyan daw ng patas na hustisya si Ka Julie kaya siguro pumirma ang superior officers.

Pero ang ‘di alam ng mga opisyal, si Ramos pala ang No. 1 Sim/Cell Cards ‘pusher’ sa airport T1 na kakompitensiya niya sa negosyo. Bukod pa rito ang ilegal na money changer umano ng Saudi Riyals at Dirhams!?

Sonabagan!!!

Ang bigat mo Kabo Ramos!

Tinira mo si Ka Julie, para masolo mo ang raket mo sa cell call card na naging dahilan ng kanyang biglang kamatayan?!

May karma naman… Sabi nga ng mga anak at kaanak ni Ka Julie: “Diyos na ang bahala sa’yo Ramos!”

At nagparamdam at nag-text daw si Ka Julie sa mga mahal niya sa buhay na may ipinasasabi sa ‘yo: “Hinihintay ka na raw ni Ka Julie sa kabilang buhay.”

‘Yun na!

CAAP officials pinaiimbestigahan

Nakatanggap tayo ng isang e-mail mula sa concerned CAAP employees na tumutuligsa sa kanilang opisyal.

Anyway, binibigyan rin natin ang mga CAAP officials na nabanggit na sagutin ang isyung ito sa ating kolum.

Ito po ang nilalaman ng sumbong:

“Kami po ay mga nagkakaisang empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Sumulat po kami upang iparating sa mga kinauukulan ang mga maling pamamalakad sa loob ng aming ahensya. Kung magkakaroon ng patas na imbestigasyon. Kami po ay lalantad sa tamang panahon kung kami ay pakikinggan sa aming mga hinaing at pagdurusa.

Unahin po namin ang isang malaking isyu sa aming opisina. Ang lumalalang kalakaran ng “Nepotism” sa aming hanay, at walang pakundangan na pagbibigay ng mga pwesto o posisyon sa mga kaanak ng mga kasalukuyang namumuno. Marami sa aming mga kasamahan ang halos matagal na nanilbihan noong kami ay nagsimula bilang Air Transportation Office (ATO) pa lamang at marami sa amin ang kwalipikado pawang mga “eligible” at may mga sapat na karanasan at training sa abroad at hindi lang ito, sila po ay tapat sa kanilang mga sinumpaang tungkulin ngunit hindi man lang nabigyan ng pagkakataon dahil sa kagustuhan lang ng mga kasalukuyang namumuno na makuha at ma-dominante ang matataas na posisyon sa CAAP. Pakiimbestigahan naman po ninyo ang mga anak ni Gen Joya na si Atty. Rania Joya at anak naman ni DG Hotchkiss na si Steven Hotchkiss. Hindi po ba ang tawag dito ay Nepotism?

Pangalawa, amin din pong natuklasan ang kanilang plano na palawigin ang kanilang mga termino at magkaroon ng permanenteng termino na hindi bababa sa anim na taon sa kanilang mga pwesto kahit na magpalit pa ng bagong Administrasyon at Presidente. Heto po ang resulta sa ginawang “Strategic Planning” na sila-sila lang ang nag-usap. At ‘pag nagkataon na ito ay aprubahan, malaya nilang magagawa ang kanilang mga inaalagaan na pansariling interes.

Nagkakaroon na po ng matinding hidwaan sa pagitan nila DG Hotchkiss at Capt. Andrew sa kanilang awayan sa kanilang personal na interest. Mas pinapaboran kasi nila DG Hotchkiss ang tumangap ng pagkakakitaan sa malalaking projects sa CAAP, habang si Capt. Andrew naman ay pinapaboran ang airline companies dahil galing din siya sa isang kilalang airline company at si Gen Joya na grupo nila DG Hotchkiss ay may malalaking projects na pinagkakakitaan.

Pakisilip naman po ang mga proyekto sa mga renovation ng mga Airport natin? At isama n’yo na rin po ang mga procurement ng iba’t ibang airport systems gaya ng security equipment, computer systems at iba pa. Puro sila negosyante? Hindi ba minsan din sila nanilbihan bilang mga opisyal ng Philippine Air Force? Sila ay may mga katiwalian na ginawa? At sila pa ang inilagay na mamuno rito sa CAAP? Malakas lang kasi sila kay PNoy kaya sila ang nakaupo. Wala na po bang mahusay at maaaring ilagay dito sa CAAP?

Tinatawagan namin ng pansin ang Chairman ng Civil Service Commission at Ombudsman na magpadala kayo ng magagaling ninyong Audit Team sa aming ahensya.

Sa ating Mahal Na Pangulo, huwag naman sana kayo basta maniniwala sa mga natamong accomplishments ng CAAP dahil alam namin na hindi sina (Hotchkiss at Joya) ang naghirap sa kanilang ipinagmamalaki na nagawa kuno sa aming ahensya. Marami pa kami isisiwalat kung kami ay inyong pakikinggan.

Tulungan ninyo kami! Bantayan ninyo ang mga kilos ng mga kasalukuyang namumuno sa CAAP! Mahal na Pangulo at Secretary Abaya, kami po ay nakikiusap sa inyo. Hindi po ito ang “Tuwid na Daan!” Tulungan po natin ang mga mananakay ng ating mga paliparan! Huwag po natin hayaang magdusa ang ating Bayan!

ALISIN NINYO SINA HOTCHKISS AT JOYA SA CAAP!

[email protected]

Calling all CNHS Batch ’74

Ang Cavite National High School Batch ‘74, ay magdaraos ng kanilang 4oth Grand Reunion sa darating na Nobyembre 16, 2014, sa Villa Teresa Resort, Cavite City, nauna rito itatakda ang isang misa at parada at trip to Tagaytay sa Nobyembre 15. Inaasahan ang lahat ng graduates ng CNHS Batch ‘74 ay makadadalo.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *