Friday , November 22 2024

Airport police complainant vs Ka Julie Fabroa, lider ng paglalako ng sim/cell card sa T-1 ?!

00 Bulabugin jerry yap jsyKA JULIE passed away last October 21 (Tuesday) at about 6:45 a.m. Hindi na niya nalampasan ang matinding sakit at hirap ng loob na nilikha ni Airport Police Cpl. Ramos.

Teka nga muna, Mr. Clean ba talaga ‘tong si Airport Police Officer (APO) Cpl. Ramos?

Iyan ang dapat imbestigahan nina Major Melchor Delos Santos, ret. Sr. Supt. Torres at ret. Gen. Vicente Guerzon.

Sa impormasyon na nakarating sa atin, makapal umano ang mukha nitong si Cpl. Ramos?!

Napag-alaman natin na si Cpl. Ramos, ang sumita at naghain ng reklamo laban kay Ka Julie dahil sa pagbebenta ng SIM/cell call cards ay certified ‘tulak’ din ng sim/cell cards sa arrival area ng NAIA Terminal 1!

Maraming testigo ang lumutang over-the-weekend na nagsasabi at nagpapatunay na mas ‘garapal’ umano kung magbenta ng SIM/cell cards si Cpl. Ramos as if walang kinatatakutan na pwedeng sumita sa kaniya.

What the fact!?

Bukod rito, sinabi ng mga testigo na ilan sa kanila ay mga empleyado ng Bureau of Customs at service provider ng airport, na maging ang overseas Filipino workers (OFWs) na may connecting flights sa Visayas at Mindanao ay ‘tinitira’ rin ni Ramos.

Ang ginagawa umano ni Kabo Ramos, kapag nalaman niyang walang domestic plane ticket ang isang pasahero ay nagkukunwaring tutulungan at ituturo sa kasabwat na mga tauhan ng transport na nagmo-moonlighting as travel agency agent.

May naka-standby na service car malapit sa taxi queuing saka mabilis na isasakay patungong domestic road kung saan naroon ang tanggapan ng travel agency office. Saka doon ‘tatagain’ ang pobreng pasahero sa presyo ng ticket.

Napag-alaman na kumikita ng P1K hanggang P2K kada ulo ang sino mang magpapasa ng pasahero sa tulisang travel agency.

Ngayong wala ng kakompetensiya si Cpl. Ramos sa SIM/cell cards vending scheme at wala na rin kalaban sa ‘pamamalengke’ ng OFWs na walang plane ticket para sa connecting flights ay solong-solo na niya ang illegal activities sa Arrival Area ng NAIA T1.

Hindi ba’t asal animal ang ganyan!?

Ang tanong: Bakit si Cpl. Ramos ay namamayagpag sa ganitong gawain samantala on-duty at naka-uniporme siya habang nagtutulak ng kani-yang kalakal?

MIAA AGM-SES Gen. Guerzon at APD manager Gen. Jesus Descanzo, may mga CCTV sa Arrival Lobby ng NAIA T1 na sa palagay ko ay malaki ang maitutulong kung sakaling maisipan ninyong paimbestigahan rin ang activities ni Cpl. Ramos.

Naniniwala ako na hindi n’yo pinaiiral ang bata-bata system sa inyong departamento.

‘Yun lang po. Maraming salamat!

Ang alibi ni VP Binay

TULUYAN nang pinangatawanan ni Vice President Jejomar Binay na huwag harapin ang Senate Blue Ribbon Committee.

Kung noong una ay sinabi niyang hinsi siya haharap sa sub-committee, at tanging sa mother committee lamang siya haharap, ‘e napatunayan natin na hindi pala totoo ang pahayag na ‘yan.

Pero nang imbitahan ni Senator Teofisto Guingona III, ang pinapunta ni VP Binay, ang spokesperson niyang sina Atty. JV Bautista at Navotas Re. Toby tsongke este Tiangco.

Pero hindi na hinayaan ng Committee na magkainitan pang muli starring Cong. Tsongke este Tiangco.

Alibi lang pala ang lahat kumbaga.

Aba ‘e kung ganyan ang style ni VP Binay, mas makabubuting huwag na rin harapin ni Senator Antonio Trillanes III ang debate.

Ano pa ang saysay ng debate?

Magiging lunsaran ng propaganda ni VP Binay?!

Sa palagay natin ‘e hindi magandang ehemplo ang ipinakikitang ‘gulang’ ni VP Binay sa mga batang politiko.

Dapat tandaan ng mga batang politiko na hindi uubra ang ‘in good faith’ sa mga tahiran at magugulang na politiko.

‘Yun lang.

Walang boto kapag hindi kumandidato

SA SURVEY, nakakuha ng percentage points para presidentiables sina Miriam Santiago, Grace Poe, at Erap. Kung hindi sila kakandidato, kanino kaya papunta ang boto para sa kanila? +63908878 – – – –

Balasahin ang Gilas Team

I-REVAMP ang Gilas Pinas team. Kumuha ng matatangkad (Greg Slaughter) at matatapang na player. Gawin head coach ang end game & defensive specialist na si “Robert Jaworski” +63908878 – – – –

Reklamo sa kolektong sa jeepney driver

GOOD pm po Sir! Masugid n’yo po akong tagabasa sa Hataw at Police Files. At natuwa po ako sa expose’ kay Ariel Cagata na may collection po sa mga jeepney driver ‘yan 10 araw-araw. May sticker n’ya ‘pag nahuli ka n’yan hindi bababa sa 1000 violation mo. Ang collector n’ya ay cigarette vendor. Sana po maisingit n’yo rin po itong txt ko salamat po +6399957 – – – –

Butaw sa Rotonda tapat ng Metro-point

GOOD pm po! Anong barangay po ba nakakasakop d’yan sa Rotonda. Harap ng Metropoint. May mga tanod d’yan sa gabi naniningil ng butaw sampu bawat pila. Ang kakapal ng mukha. Pag di nagbigay paaalisin +63999570 – – – –

Handang ‘magpaputol’ para sa katotohanan

DITO mapapatunayan natin na talaga may mga milagro sa mga ahensya o mga tauhan ng gobyerno. 4-day work ayaw ng mga empleyado ng gobyerno. Imbes matuwa kontra sila. Bakit? Simple lng. Dahil mababawasan ang kickback nila o mga delihensya. Tama po ba? Malaking bagay ang mga raket nila ikumpara mo lng sa suweldo nila. Tama po ba? Ang joke nga ng iba nlang kasamahan ganun din sa mga pulis alisin na lang sila ng suweldo ‘wag lng ang mga raket nila. Tama po ba? Sabi ni PNOY tumino n raw mga Pulis ngayon? O lintek k PNOY lalaban ka ba ng tapyasan ng puday este putoy kapag napatunayan mo bukas din n tumino na ang mga pulis? Ako di lang putoy ko ang papuputol ko pati dalawang kamay at paa para maging inutil na ako sa mga pinagsasabi ko. Kahit ikaw PNOY ang pumutol live sa TV pa. Simula bukas hanggang sa dulo ng panahon kapag wala na akong mababasa sa pahayagan tungkol sa kawalanghiyaan nila. Juan po. +63909481 – – – –

Abusadong tatay ng Chairman sa Brgy. 334 zone 33

GOOD day po, isa akong concerned citizen at nasaksihan ko po kung paano maghari ang tatay ng chairman sa 334 zone 33. Dahil lng sa karton, pinagmumura ng tatay n e2 ang matandang vendor. Ilang bese nyang binalikan ang vendor para lang murahin at lapastanganin. Nlaman q na pati pala prking sa harap ng brgy bawal din dahil mumurahin k ng tatay ni chairman. Paki kalampag lng po para matigil na ang paghahariharian ng tatay n e2. Don’t publish my no. +63929996 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *