Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 parak niratrat ng tulak (Sa CSJDM)

NAGSASAGAWA nang malalimang imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pagkakapatay sa da-lawa nilang kabarong pulis sa City of San Jose del Monte (CSJDM) kama-kalawa ng gabi.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Supt. Charlie Apil Cabradilla, hepe ng CSJDM Police, ang dalawang biktima na natagpuamg patay ay kinilalang sina PO2 Arsil Asali Nasir, 33, may-asawa, tubong Sulu, at naninirahan sa Blk. 27, Road 10, Minuyan-4; at PO1 Freddie Manungay Claro, 33, may-asawa, tubong Isabela, at naninirahan sa Blk. 28, Lot 38, Phase 4A, Towerville, Brgy. Minuyan Proper, kapwa sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat, ang napaslang na mga pulis ay kapwa miyembro ng City of San Jose del Monte Police Station habang ang mga suspek sa pamamaril ay hindi pa nakikilala.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Eric Belarmino, nagpapatrolya ang mga pulis sa Road 2, Brgy. Minuyan 1, ilang residente ang nag-ulat na may naganap na barilan sa naturang lugar.

Agad nagresponde ang mga pulis sa lugar na tinukoy at natagpuang nakahandusay ang dalawang biktima na tadtad ng bala.

Nabatid sa pulisya na ang lugar na pinangyarihan ng pamamaril ay kilalang kuta ng mga pusakal na tulak ng ilegal na droga sa lungsod.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …