Saturday , November 23 2024

Abaya desperado sa Mrt shutdown

101114_FRONT

ITINURING ng Riles Network na isang “desperate move” ni Transportation and Sec. Jun Abaya ang planong pansamantalang ipahinto ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay Riles Network Spokesperson Sammy Malunes, hindi naiiba sa transport strike ang nais ikasa ni Abaya dahil mahigit 500,000 commuters ang mawawalan ng pampublikong sasakyan.

“First time na mangyayari [ito] sa kasaysayan ng railway system sa bansa,” pahayag ni Malunes.

Hindi maintindihan ni Malunes, na dati nang nagtrabaho sa railway, kung bakit hindi naging sapat sa MRT ang taunang maintenance tuwing holy week gayong epektibo ito sa Light Rail Transit (LRT).

Para sa grupo, ipinakikita rito ang gross negligence ni Abaya sa tungkulin bilang hepe ng DOTC.

Muling giit ni Malunes, “Nananawagan ako na mag-resign na si Abaya. Wala siyang kapasidad na manungkulan bilang DOTC [secretary] dahil sa loob ng kanyang panunungkulan from bad to worse ang sitwasyon ng traffic sa Metro Manila including LRT 1, 2 at MRT.”

HATAW News Team

Sa MRT fare hike

GO SIGNAL NI PNOY HINIHINTAY

WALA pang go signal si Pangulong Benigno Aquino III para itaas ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT).

“We have no discussions on that yet. Wala pang final answer, kumbaga, ang Pangulo diyan,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Kasabay nito’y hihintayin pa aniya ng Palasyo ang rekomendasyon mula kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya hinggil sa planong pag-shutdown sa MRT habang inaayos ang mga problema rito na nagdudulot ng halos araw-araw na perhuwisyo sa mga pasahero.

“We will wait for an actual recommendation from Secretary Abaya to be discussed with the President, because that certainly has implications, especially on our riding public. We would rather wait for a formal recommendation from them before—so the President can take a look at it,” aniya.

Matatandaan, sa kanyang 2013 State of the Nation Address (SONA), inihayag ng Pangulo na kailangang ipatupad ang fare hike sa MRT at LRT dahil makatuwiran na bigyan ng subsidiya ng gobyerno ang mass transport system na ang mga taga-Metro Manila lang ang nakikinabang.

(ROSE NOVENARIO)

.5-M PASAHERO APEKTADO

MAHIGIT kalahating milyong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ang maaapektuhan sakaling ituloy ang pansamantalang tigil-operasyon para makumpuni ang mga tren.

Una rito, sinabi ng dating chairman ng MRT na si Engr. Rene Santiago, nasa 500,000 kada araw ang sumasakay sa tren, halos doble ng 350,000 pasaherong kapasidad nito.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DoTC), hindi nila inaalis ang posibilidad ng shutdown lalo’t inirekomenda na ito sa kanila ng mga eksperto.

Gayonman, wala pang schedule ang pansamantalang tigil-operasyon ng tren dahil kailangan muna nilang paghandaan ang gagamiting spare parts.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *