Thursday , December 26 2024

Pulis ng MPD PS-11 San Nicolas PCP sinapawan ang MPD PS-2 Bambang PCP?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMISTULANG namamarako na raw ang ilang tulis ‘este’ pulis ng (MPD) Station-11 San Nicolas PCP na kahit hindi nila area of responsibility (AOR) ay kanilang sinasaklawan.

Ito ay makaraang magresponde ang apat na pulis-onse sa isang grupo ng tsekwa ‘este’ negosyanteng Intsik na sinampal ng isang motorcycle rider sa Metropolitan Hospital sa Masangkay St.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, bago nasampal ang dalawang Intsik na kinilalang sina Tony So at James Tan ay marami ang nakulitan at naiinis sa kanila dahil sa kakulitan nila at umaalingasaw pa sa amoy alak!?

Nakulitan na raw ‘yun isang drayber ng motorsiklo na naghatid ng kanyang kamag-anak na empleyado sa Metropolitan hospital.

Kaya tinanong ng motorcycle driver ‘yun dalawang tsino kung sila ba ‘yung makukulit na lasing sa loob ng emergency room.

Medyo hindi ‘ata nagustuhan ng motorcycle driver ang pabalang na sagot ng dalawang Tsino kaya hindi na napigilan na sampalin ang isa sa kanila.

Sabay arangkada paalis sa lugar ang nasabing rider.

Wawa naman ‘yun dalawang tsekwa…hehehe …

Dito na ngayon umeksena ang “quadro de jack” ng PS-11 PCP San Nicolas na call-a-friend pala ng mga lasenggong tsap-tsing na tsekwa.

Maangas na nagpakilala pa raw ang team leader na siya si PO2 DOMINGO at PINSAN daw nya si MPD PS-11 commander Kernel Domingo?!

‘E ano ngayon kung pinsan mo si commander, PO2 ‘Pasiklab’!?

Nagulat tuloy ang mga pulis sa BAMBANG PCP dahil AOR nila ang pinangyarihan ng sampalan blues (insidente) sa Metropolitan Hospital.

Makapal pa raw ang mukha ng apat na tulis ‘este’ pulis-onse na nagresponde lang daw sila sa tawag ng ‘baka’ ‘este’ kaibigan nilang intsik.

What the fact!?

Kernel Dominador ‘domino’ Domingo, galante siguro ang mga Intsik na ‘yan sa mga pulis mo sa San Nicholas PCP?

Naaambunan ka ba naman nila!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *