Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, ayaw mag-kontrabida kaya tinanggihan ang Pangako Sa ‘Yo?


092714 Jodi Sta Maria

00 fact sheet reggeeFOLLOW-UP ito sa isinulat namin dito sa Hataw na si Jodi Sta. Maria ang gaganap na Ms Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na gagampanan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakatakdang umere sa susunod na taon.

Sinabi ni Jodi sa farewell/thanksgiving presscon ng Be Careful With My Heart na hindi siya si Amor Powers.

“Kina-klaro ko po kasi nakahihiya sa inoperan na, hindi po totoong ako ang gaganap na Amor Powers,” say ng aktres.

Sa tanong namin kung ini-offer ang nasabing papel sa kanya, ”may sinabi pero hindi pa po kami nagkakausap. Magmi-meeting pa po kami kasi alam naman po ng ABS-CBN na after ng ‘Be Careful With My Heart’, gusto ko po munang magpahinga, gusto ko pong tumutok sa anak ko. Plano po naming mag-Pasko sa Amerika,” tugon ng aktres.

Back to school nga ba si Jodi kaya niya tinanggihan si Amor Powers?

“Hindi naman, kasi wala pa nga akong time, ang main reason ko ay gusto ko munang magpahinga kasi dalawang taon mahigit din ang ‘BCWMH’, so pahinga muna. Malalaman ko pa after ng meeting namin with the management (ABS-CBN),” katwiran sa amin.

Baka naman hindi type ni Jodi ang maging suporta na lang sa Pangako Sa ‘Yo dahil sa Be Careful With My Heart ay bida siya?

“Ay hindi naman, hindi ako namimili ng role basta kaya ko, wala naman akong problema sa mga ganyan, ke support o hindi,” sangga ng magandang mom ni Thirdy.

Nagpapasalamat nga raw si Jodi kina Daniel at Kathryn dahil maski raw sobrang busy ang schedule nila ay nagawa pa rin nilang mag-guest sa Be Careful With My Heart.

Speaking of Thirdy ay inalam namin sa aktres kung kung sino pa ang kasama niyang magbabakasyon sa Amerika bukod kay Thirdy, ”si Thirdy nga, bakit?” sabay titig sa amin.

Ha, ha, ha idaan ba kami sa titig Ateng Maricris.

Sa pagtatapos ng BCWMH sa Nobyembre 28 ay ano ang pakiramdam ng aktres?

“Malungkot po talaga and at the same time, naging thankful din talaga ako sa ‘Be Careful With My Heart’ sa mga oportunidad na nagawa sa career namin na lahat na nandito, nakaka-miss talaga for two years na ito ang ginagawa ko na every morning when I wake-up going to taping, then go home. Medyo may pagbabago lang na kailangang i-adjust,”say niya.

At ang pinakamami-miss ni Jodi sa kanyang ‘husband’ na si Ser Chief ay ang pang-aasar nito,”bihira lang siyang (Richard) mang-asar, pero sapul.” Singit naman ni Ser Chief, ”medyo ano ‘yun, eh. Private joke.”

Samantala, hindi lang viewers sa Pilipinas ang nalulungkot sa pagtatapos ng Be Careful With My Heart kundi maging TFC subscribers ay nag-iiyakan na rin tulad ng mga kamag-anak at kaibigan namin sa Amerika.

“Maganda kasi ang kuwento ng ‘Be Careful’, ‘cuz, si mama naiyak nang malaman niyang patapos na, kasi routine na niya ‘yun na hindi muna kakain hangga’t hindi tapos ang ‘Be Careful’. Maganda kasi ang kuwento, Filipino values kaya masarap siyang panoorin,” say sa amin.

Isa lang ito sa mga natanggap naming mensahe nang ibalita naming magtatapos na ang kilig-serye nina Ser Chief at Maya.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …