Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Letter of ownership ng Chowking ni Kris, naibigay na

092314 kris aquino

00 fact sheet reggeeIBINIGAY na kay Kris Aquino ang letter of ownership na ipinadala sa kanya ng Chowking bilang franchisee at ipinost niya ito sa kanyangInstagram.

Post ni Kris, “Just signed my CHOW KING Franchise awarding papers. My fast food franchise ownership goal is now a reality. (This isn’t part of my contract, I’m paying for my 1st franchise from hard earned money, my CK Family had offered that this be part of my contract renewal package, but I felt that I needed to invest in the company for me to really have the motivation to make my branch & future branches successful.)

“I am now not just an endorser but a stakeholder in Chow King. Thank You JFC for this opportunity!”

Madalas kaming kumain dati sa Chow King branch ni Kris na nasa ground floor na ng Alimall.

Dahil ito ang paboritong fast food ng nanay namin noong nabubuhay pa siya dahil paborito niya ang siopao, lugaw, at halo-halong may ice cream.

Sad to say, may experience kaming hindi maganda sa CK Alimall dahil may langaw na ilang beses naming sinasabi sa staff at sinagot lang kami ng, “hindi nga po namin alam saan galing.”

Hindi namin nagustuhan ang sagot na ito sa amin dahil imbes na humingi ng dispensa dahil paano ka gaganahang kumain kung may lumilipad-lipad sa paligid at hindi naman ito karinderya dahil nasa loob pa mismo ng mall.

Pansin din naming under staff ang Alimall branch kaya hindi kaagad nalilinisan ang mga naglalagkitang lamesa sanhi ng mga natapong ice tea kaya siguro may langaw.

At ngayong si Kris na ang may-ari ng CK Alimall branch, sana maraming pagbabago at sana magdagdag ng staff para hindi naman maghihintay ang mga tao na gustong kumain pero hindi pa nalilinisan kaagad ang mga lamesa.

Maraming kumakain sa CK Alimall branch dahil bungad ito pagpasok mo sa ground floor lalo na sa mga senior citizen na ang madalas orderin ay mga noodle soup dahil mura lang.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …