POSIBLENG mapaaga ang pagtama ng bagyong Luis sa ng Northern Luzon ngayong araw kaysa unang pagtaya na sa Lunes pa mananalasa.
Ayon sa PAGASA, maaaring tumbukin ng sentro ng bagyo ang Tuguegarao at Isabela kung hindi magbabago ng direksyon.
Inaasahan din dadaanan ang Ilocos provinces bago lumabas ng landmass.
Kahapon ay namataan ang bagyo sa layong 780 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 kph.