MUKHANg magwawakas na ang ‘lucky 13’ percent ni Vice President Jejomar Binay sa mga proyekto sa Makati City.
Mantakin ninyo 13 percent sa bawat project ang KOMISYON o TONGPATS ni Binay sa bawat proyekto sa Lungsod ng Makati?!
Aba ‘e hindi na nakapagtataka kung bakit mabilis nga ang pagyaman ng pamilya Binay.
‘E kung ‘yung pagdo-doktor ng kanyang misis o pag-aabogado ni Binay ang aasahan hindi sila ganyan kabilis na makapagpo-produce ng yaman.
Sabihin na nating political operations ang nagaganap na paglalabas ng mga isyu na ‘yan laban sa mga Binay, ang tanong ‘e, may ebidensiya ba o wala?!
Paano ‘yan, mayroong lumalalabas na mga dokumento at mga taong nagsasalita at nagpapatunay?!
Sa ngalan lang ba ng politika ang mga ‘yan?!
Anong masasabi mo rito Mr. Joey Salgado?
Dapat na talagang matuto ang taong bayan.
Hindi na tayo dapat boto nang boto lang. Dapat alam natin kung ang isang kandidato o politiko ay tunay na may malasakit sa sambayanan.
Hindi ‘yun ginagamit palagi ang mahihirap sa kanilang palabas ‘este’ pangangampanya na kunwari ay nagmamalasakit sa kanila pero sila lang ang umaangat ang buhay!
‘E si dating Senate President Manny Villar nga na kumandidatong Pangulo last election, tinira at nabulgar lang sa ‘SIPAG AT TAGA’ sa C-5, nalaglag na …
Ito kayang si VP Binay, ano kaya ang mangyayari sa kanya sa 2016 elections? Umabot pa kaya siya sa 2016?
Tumalab pa kaya ang birtud ng kanyang “Lucky 13 percent?”
Aabangan po natin ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com