Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas pinakamagaling na Asyano sa World Cup

UMUWI man  sa Pilipinas ang Gilas na may kartang isang panalo at apat na talo sa katatapos na FIBA WORLD CUP sa Seville, Spain, may dapat ipagmalaki ang mga Pinoy sa kapwa Asyanong bansa dahil ang RP 5 ang may pinakamagandang performance sa hanay ng Asyano na lumahok sa nasabing torneyo.

Natalo man sa bansang Greece, Puerto Rico, Argentina at Croatia ay nakita sa laban ang tunay na gilas ng Pambansang Koponan na kung saan ay pinahirapan nila nang husto ang mga nabanggit na bansa bago tuluyang yumuko.

Ang mahalaga sa inilaro sa Spain ay umuwi ang Gilas sa Pilipinas na nag-iwan naman ng respeto sa mga bansang naging kalahok sa FIBA World.

At ang nag-iisang panalo ng Pinas kontra Senegal sa huling laro nila ay magiging panimula lang ng panibagong sigla ng larong basketball sa bansa para sa mga parating na malalaking torneyo na lalahukan ng Gilas.

Ang South Korea na bronze medalist sa nakaraang FIBA Asia ay umuwi sa bansa nila na may baong limang talo sa Group D ng FIBA World, samantalang ang gold medalist na Iran sa FIBA Asia na bagama’t naglista ng panalo kontra Egypt ng 15 puntos ay pinagtatambakan ng ibang bansa sa Group A.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …