DESMAYADO ang maraming motorista sa muling pagbigat ng sa kahabaan ng south bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) kahapon.
Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Base, nagsimula ang matinding trapik, dakong 4:00 a.m. mula sa area ng Balintawak na umabot ng dalawang kilometro hanggang pagsapit ng alas- 6:00 a.m., kalahating kilometro na lamang ay aabot na ang dulo sa mismong Balintawak toll plaza ng NLEX.
Pansamantalang solusyon ang inilagay ng mga awtoridad na pagbukas ng counter flow lane sa north bound ng NLEX, tinanggal ang mga concrete barrier sa bahagi ng Camachile para rito.
Pinayuhan na gamitin ang Mindano Avenue bilang exit point ng mga sasakyan patungong Metro Manila.
Nitong Biyernes, siyam na kilometro ang inabot ng trapik sa naturang lugar, na ikinairita ng maraming mga motorista.
Unang isinisi ang naranasang trapik sa ipinatutupad na one truck lane policy ng MMDA.
Pero agad nagpahayag ang pamunuan ng MMDA, na huwag isisi sa kanila ang nararanasang trapik dahil ang nasasakopan lamang aniya ng one truck lane policy ay kahabaan ng C-5 Road.
Isinisi rin ang naturang trapik sa Philippine Port Authority (PPA) at pamahalaang lokal.
Sonabagan!
Ganoon lang … sisihan nang sisihan lang?!
Paano naman hindi magiging ganyan kagrabe ang traffic, kada linggo ‘e iba na naman ang sistema?!
Mas mabuti pang ibalik na lang sa dati na gumagalaw ang sasakyan kaysa one-truck lane policy na nagiging sanhi ng sandamakmak na obstruction sa kalye.
Anong sey ninyo?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com